Followers

Tuesday, January 5, 2016

O, Diyos, Samahan Mo Ako sa Aking Pangarap

Sa bawat naisin, maging sa aking mga mithiin,
O, Diyos, ikaw ang gabay, Ikaw ang aking bituin.
Sa bawat tahakin, sa lahat ng aking gagawin,
Sa aking tabi, O, Diyos, ikaw ay nariyan pa rin.

Aking Panginoon ako’y muling humihiling.
Sa aking pangarap, Ikaw sana ang kapiling.
Sa pagtahak patungo sa tugatog ng landasin,
Ang gabay na liwanag, sana ay Ikaw pa rin.

O, Diyos, samahan Mo ako sa aking pangarap,
Dahil ang makapiling ka, ang tangi kong hangad.
Mga kabutihan Mo’y sa mundo ay ipapalaganap.
Papuri at pasasalamat sa’yo ay aking ibabayad.

O, Diyos, samahan Mong abutin ko ang pangarap…
Sa mapagpalang kamay Mo’t sa aking pagsisikap,
Ang tagumpay ay ‘di kailanman magiging mailap,
‘Pagkat ang tagumpay ko’y sa Iyo ko lang nahanap.


No comments:

Post a Comment

Sina Passerine at Siloy

  Sina Passerine at Siloy Mahilig umawit ang magkaibigang sina Passerine at Siloy. Pakanta-kanta sila habang naghahanap ng pagkain. Si P...