Followers

Friday, January 1, 2016

Butil ng Kanin

"Sige po... Mauna na po kayo, Nanay at Tatay... May susuportahan pa akong apo." Narinig niyang sambit ng kanyang bunsong kapatid, isang alas-dos ng madaling-araw, habang nakahiga sila sa magkabilang katre.

Maya-maya, natahimik na ang kapatid.

Ikinuwento niya iyon kinabukasan sa kanyang asawa at kapatid.

"Alam mo ba 'yun, Inday?" tanong ng butihing hipag niya habang pinapakain niya ang 66-anyos na lola, na ilang taong nang pinahihirapan ng resulta ng dalawang beses na stroke.

Umingit lang ito bahagyang iginalaw ang payat na payat at baluktot na kamay. Nailuwa pa niya ang ilang butil ng kanin nang pilitin niyang magsalita.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...