Followers

Monday, January 25, 2016

BlurRed: Kutob

"gud eve, dee! red 2. musta kn?" Tinext ko si Dindee.

Alas-diyes na iyon ng gabi. Patulog na ako. Nakapag-good night na nga ako kay Riz. Gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Dindee bilang kaibigan niya. Mabuti nga't ibinigay sa akin ni Karryle ang number niya.

Sampung minuto akong naghintay sa reply niya. Wala!

Nag-send uli ako ng message. This time, apologetic na ang tono. Sinabi kong malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. Kaya, sana ay mapatawad niya ako. Huwag naman sana niyang kalimutan ang pinagsamahan namin. Kahit iyon na lang.

Naghintay uli ako. Kalahating oras. Isang oras. Wala.

Alas-sais na nang mamulat ako. Agad kong tiningnan ang cellphone ko. Kumabog ang dibdib ko nang makitang may reply si Dindee. Halos ma-delete ko pa ang text niya sa sobra kong excitement.

"Oo parehas tyo..."

Nalungkot ako na natuwa. Nalungkot ako dahil hindi niya pa ako pinapatawad. Natuwa naman ako dahil sinagot niya ang text ko.

"klmutan n ntn ang nangyRi." 

Sent.

Kahit nasa klase ako at kahit katabi ko si Riz, ang reply pa rin ni Dindee ang iniisip at inaabanagan ko. Napansin niya nga ang madalas kong pag-on nito.

"May hinihintay ka?" inosenteng tanong ni Riz.

"Oo... Ang... pinapaload ko kay Mommy." pagbubulid ko ng kasinungalingan. Sana hindi niya napansin ang pagpiyok ko.

"Ah. Darating din 'yun. Kung para sa'yo, para sa'yo..."

"Ano?" Gusto kong ulitin niya ang sinabi niya. Malinaw sa pandinig ko ang binitiwan niyang mga talinghaga. "Ano ulit ang sabi mo?"

"Ha? Hindi mo narinig ang sinabi ko?"

"Hindi! Kaya nga nagtatanong ako..."

"Ang sabi ko... darating din ang load mo. Hintayin mo lang!" Nairita pa yata siya sa akin.

Alam kong tama ako ang narinig ko. Bigla tuloy akong kinabahan. Tama nga ang sabi ni Mommy, malakas daw ang kutob ng mga babae.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...