Followers

Thursday, January 7, 2016

DNA Test

"Parang wala akong magulang. Hindi ko kayo maramdaman..." Humihikbi pa ang kinse-anyos na anak.

"Huwag mong sabihin 'yan, anak. Ako ang nagluwal sa'yo..." Hinawakan pa niya ang kamay ng bunsong anak na babae. Puspos na ito ng luha.

"Hindi niyo ako minahal!" Iniiwas ng anak ang kanyang kamay. "Hindi niyo ako anak!"

"Anak ka namin, Rosanna." Kayong tatlong magkakapatid. Anak namin kayo..." Gumaralgal ang boses ng ina.

Tumayo ang anak. "Hindi totoo 'yan! Sina ate at kuya lang ang anak niyo. Sila lang ang mahal niyo!"

"Hindi totoo 'yan, anak. Maniwala ka sa amin..." Tuluyan nang umagos ang masaganang luha ng butihing ina.

"Kung hindi totoo, magpa-DNA test tayo! Gusto kong malaman ang totoo..."

Napatda ang ina. Bigla yatang natuyo ang luha niya. "Anak naman... wala nga tayong sasaingin ngayong gabi, e, DNA test pa! Batukan kita riyan, makita mo! Lumayo ka nga sa harap ko! Ang drama mong litse ka!"

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...