Followers

Monday, January 25, 2016

BlurRed: Unan

Naging matatag kami ni Riz sa bawat pagsubok na dumaraan sa relasyon namin. Hindi kami nagpapadala sa anumang mga negatibong bagay at desisyon. Pero, aminado akong nakakagawa pa rin ako ng mali sa kabila ng labis na pag-iingat ni Riz na magkasira kami. 

Minsan, nakita niyang napangiti ako habang binabasa ko ang text message sa akin ng pinsang kong si Karryle. Akala niya kung sino ang katext ko kaya ipinakita ko sa kanya. Medyo hindi pa rin siya kumbinsido nang mag-focus siya sa kanyang sinusulat.

Ang totoo, kinukumusta raw ako ni Dindee kaya kinilig ako. Naputol lang ang pag-rereply ko dahil ayokong maging sanhi iyon ng pag-aayaw namin. Pag-uwi sa bahay, saka ko tinext si Karryle. 

Nalaman ko sa kanya na madalas na silang magkita ni Dindee. Every Saturday rin yata ay dumadalaw siya kina Lola at Lolo. Na-miss ko siyang bigla. Hindi ko lang masabi sa pinsan ko.

"Bgay u nga skn # nia," ang tangi kong nasabi kay Karryle. 

Binigay naman niya sa akin nang walang kahirap-hirap. Kaya, nag-good night na ako sa kanya at nag-Good eve kay Dindee. Nagpakilala ako, siyempre. May "Hello! musta?" pang karugtong.

Habang naghihintay sa response niya, binalikan ko ang mga araw na magkasama pa sila sa bahay nila, gayundin ang mga sandaling nagkukuwentuhan, naghaharutan, nagtatawanan at nakikinig kami ng music sa kamang kinahihigaan ko. 

"Ang hirap magmahal, Red," wika ni Dindee. "Hangga't maaari, ikaw at ako na lang..." 

Hinagkan ko ang noo niya habang nakakulong siya sa braso ko. "Oo, Dee... Ikaw at ako lang." 

Sabay kaming pumikit. Pagdilat ko'y tanging ang paborito niyang unan ang kayakap ko. 

Niyakap ko ito nang mas mahigpit. Naaamoy ko pa rin si Dindee doon. Masaya na ako kahit hanggang pantasya na lamang siya. Wala mang "ikaw at ako", may nagpapaalala naman ng naging siya at ako. At, mananatili iyon sa aking isip at puso. 






No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...