"Tahimik ka?" pansing-bati ko kay Riz, na nakatitig lang sa kanyang aklat. Tinakpan ko pa ng palad ko ang libro upang tumingin siya sa akin.
"I'm reading," aniya. Blangko. Walang emosyon.
"Hindi ako sanay ng ganyan ka..."
Hindi siya nagsalita. Inalis ko na rin ang kamay ko sa binabasa niya at nakinig na ako sa prof namin.
Paglabasan, hinila ko siya sa bench. Nag-usap kami. Wala naman daw siyang problema. Hindi ako naniwala. Pinilit ko siyang magtapat.
"Manhid ka ba talaga o sadyang nagmamaang-maangan lang?" Galit siyang tumayo at tinalikuran ako.
Ilang segundo rin akong nag-isip sa upuan, bago ako nakasunod sa kanya. "Riz, sorry na..." Nahawakan ko ang kamay niya, pero hindi siya huminto. Iwinaksi niya lang ang kamay ko. Wala akong nagawa, kundi sundan siya sa next classroom namin. Hindi rin naman kami nakapag-usap sa loob dahil terror ang professor namin sa subject na 'yun. Hinintay kong maglabasan, saka ako nakabuwelo.
Alam ko na ang pinagdradrama ni Riz. Ang text ko sa kanya na magbabakasyon ako sa Aklan. Hindi ko pala nasabi sa kanya na
hindi na ako tutuloy dahil manganganak si Mommy. Hindi ko pa nga rin nasabi kay Dindee.
"Sinasabi mo lang 'yan para malubag ang loob ko. Malakas ang loob mo, Red, alam ko, kaya kung gugustuhin mo, kahit may tumututol... tutuloy ka. Para ano? Para magkita kayo dun ng... ng... ewan!" Iyan ang litanya niya nang pauwi na kami.
"Huwag kang mag-isip ng masama... Mali ang iniisip mo. Alam mo namang..."
"Tama na, Red. Kung hindi ka nga matutuloy, well, it's better. But if you really want, go! Follow your heart."
Wala na akong sinabi. Pumara na ako ng dyip at sumakay kami. Tahimik kaming pareho hanggang sa maghiwalay kami. Tinext ko na lang siya. I apologized again, without explaining. I mean it.
Pag-uwi ko, kinuha ko kaagad ang gitara at tumipa ako. I played my original compositions. Wala ako sa mood, kaya binitiwan ko kaagad, pagkatugtog ko ng tatlo.
"Nak, tamad na tamad ka na yatang maggitara ngayon," pansin ni Mommy sa akin. "Hindi mo ba gusto ang ibinayad sa'yo ng kaklase mo?"
Si Fatima ang tinutukoy niya. Nagsinungaling ako. Ayokong malaman niya na may bumabagabag sa akin. Ayoko na ring ma-stress pa siya dahil sa problema ko.
"Ganyan talaga 'pag bago... Hayaan mo, magkakasundo rin kayo ng gitara mo. Lagi mo lang gagamitin," payo pa niya.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment