Ako'y nagsikhay at nagsumikap
upang matupad, aking pangarap.
Ang maging isang ulirang guro
ng mga mag-aaral na nais matuto.
Pagiging edukador ay naganap,
kaya edukasyon ay pinalaganap.
Mga mabubuting aral ay natamo
ng mga estudyanteng may talino.
Inspirasyon ay laging ibibigay.
Magiging katulad ng isang panday.
Bukas, makalawa, mga kabataan,
Tanglaw na sila ng ating bayan.
Kapag dumatal na ang pagreretiro,
ako na ang may maligayang puso,
sapagkat ang aking mga pamana,
sa kanilang pamumuhay makikita.
Followers
Saturday, May 14, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment