Followers

Sunday, May 15, 2016

Hapag-Hugutan

Dumulog na sa hapag ang mag-anak upang maghapunan.

"Ikaw na Pamela, ang manguna sa panalangin," sabi ng ama sa panganay na anak.

"Ako, 'Tay? Lagi ko na lang ba ipinapalangin sa Diyos, na sana magbago ang boyfriend ko?  Hanggang ngayon, wala pa siyang pagbabago. Pagod na akong maghintay, 'Tay!"

"Ikaw na nga lang, Preston. Ikaw naman ang kuya. Dapat responsable ka sa lahat ng bagay," sabi naman ng ina.

"Ako, Nay? Responsable naman ako kay Sandra. Hatid-sundo ko siya. Lahat ng pangangailangan niya ay sinisikap kong maibigay. Kulang pa po ba?"

"O, si Bunsoy na lang. Magaling ito mag-pray, e," nakangiting puri ng ama kay Perry. Hinaplos-haplos niya pa ang buhok nito.

"Ako po, 'Tay? Hindi po ako magaling! Hindi ko nga masabi-sabi sa crush ko na mahal ko siya. Hindi ako magaling. Torpe ako, 'Tay... 'Nay! Bakit ako ganito? Bakit po?"

"Ewan ko sa inyo! Gutom na gutom na ako!" bulalas ng ina. "Amen na nga lang!"

Parang kidlat na nagsandukan ng ulam at kanin ang mag-anak.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...