Followers

Monday, May 30, 2016

Maraming Wika sa Matatag na Bansa

Kayrami nating diyalekto. Kayrami na ring naging pinuno. Ngunit, matatag nga ba ang atig bansa?

Masakit sabihing hindi, pero hindi ako papaya na talagang hindi. Kaya, ipagsisigawan ko… matatag an gating bansa! Ipinagmamalaki kong bigkasin… ang Republika ng pilipinas ay isa nang matibay at matatag na bansa!

Pilipino ka. Dapat naniniwala kang sa pagkakaroon ng maraming wika at may kaunlaran. Hindi ka na magtatanong kung bakit?

Una. Nagsulputan ang mga call center sa Pilipinas. May kaunlaran…

Pangalawa. Nakakapagtrabaho tayo sa iba;t bang bansa--- sa Hapon, halimbawa. May kaunlaran.

Pangatlo. Nawiwili sa ating bansa ang mga turista. May kaunlaran.

Pang-apat. Ikaw na ang magbigay-katuturan sa mga punto ko.

Kayrami nga nating diyalekto at wika. Kayrami nga nating naging pinuno. Lahat ng mga iyan ay balewala, kung iisa lang ang ginagamit nating wika. Titibay ang bansa, kung may iba’t ibang wikang sinasalita. Ingat ka lang, ha? Baka Wikang Filipino ay makalimutan mo na. masama na iyon at hindi nararapat. Ang ibig ko lang naman au matatag na bansa, may pagkakaisa, at may pagkakaunawaan, kahit marami ang wika.

Hindi naman masama ang gumamit ng ibang wika. Hindi naman kita pupulaan, kung ang pagsasalita mo ay banyaga. Hindi naman ako luluha kung marami kang winiwika. Basta ba, isipin mo rin, kung paano magiging mas matatag ang ating bansa, dahil sa iyong gamit na wika.

Ngayon, puwede mo ba akong suportahan sa aking adhika? Pumalakpak ka nga, kung sumusuporta o sumasang-ayon ka sa akin…


Salamat! Salamat sa mga tunay na Pilipino!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...