Followers

Saturday, May 14, 2016

May Wattpad Lover: Pag-asa

Hindi ko na hinatid si Lanie sa bahay nila, tulad ng request niya. Hinintay ko lang siyang makasakay ng taxi. Isa rin iyon sa paraan ko upang ma-turn off siya sa akin.

Nagmadali akong umuwi para ma-search ko ang wattpad account ni gellion. Hindi naman ako nahirapang mahanap iyon.

Ang taas na ngayon ng pag-asa kong magkita uli kami ni Gelay. Abot-kamay ko na siya.

"Thanks, Arla! Nahanap ko ang account ni gellion," chat ko sa kanya.

Online siya, kaya agad niya akong nareplayan. "O, that's great! But, why are you interested to her?"

Natigalgal ako. Ilang minuto rin ang lumipas, bago ako nasagot. Tama nga siya. Bakit nga ako interesado? Kung alam niya lang. Siya ang nagtatampo at nagtatago kong girlfriend. Kung alam niya lang, siya ang dahilan ng paghihiwalay namin.

"I just wanna be her friend. Masama ba? Hehe," ang sagot ko.

"Nope. Go on..."

Akala ko, malakas ang pakiramdam niya. Hindi pala. Mabuti na lang. Ayaw kong malaman niya ang totong pakay ko.

Nauna niya pang ma-send ang isa pa niyang message niya,1 bago ko na-send ang "Thanks!" ko. Sabi niya, "Uunahan mo pa ako kay gellion. Hmp!"

Hindi ko kaagad naunawaan ang sinabi niya. Nang maalala ko ang boyish niyang get-up kahapon, saka lang tumimo sa utak ko ang ibig niyang sabihin.

"May the best man wins..." biro ko.

"Sure! Pero, uunahan kita kasi close na kami."

Medyo, kinabahan ako doon sa huli niyang salita. Hindi ko lubos maisip na si Arla ay magiging karibal ko pa. Very ironic!

Muli akong nag-isip. Hindi maaaring mangyari ang iniisip ni Arla.

Nagtapat ako sa kanya. Mahabang paliwanagan at kuwentuhan, inabot kami ng mahigit isang oras para lubos niyang maunawaan. Inihingi ko pa sa kanya ng tulong. Willing naman siya.

"Tamang-tama! May summer meet-up ang wattpad sa Linggo, chance mo na 'yun!"

Nabuhayan ako ng loob. Hindi na ako mangangamba kay Arla. Kakampi ko na siya. Nagkasundo na nga kami para sa isang plano. Kaya, ilang araw na lang, magkikita na kami ni Gelay. Abot-kamay na ang pag-asa kong maging kami uli. Or should I say, mapatawad niya ako.
A

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...