Followers
Thursday, May 5, 2016
Usok
Nagising ako, isang umaga, mula sa pagkakahimbing ko dahil nakita ko sa aking panaginip ang isa sa mga estudyante ko, kasama ang kaibigan niyang out-of-school. Humihithit sila ng sigarilyo sa kalye, na animo'y tanggap na iyon ng kanilang mga magulang at kapitbahay. Halos mabugahan pa ako ng usok. Itinago naman ng estudyante ko ang yosi niya nang makilala ako.
Walang lumabas na salita sa aking bibig. Tiningnan ko lang sila nang matalim. Nalungkot ako.
Grabe! Pabata nang pabata na ngayon ang naaakit magsigarilyo. Naisip ko tuloy, hindi pa ba sapat ang litrato sa kaha ng sigarilyo upang matakot sila? Hindi pa ba iyon nakakasindak na nakikita na nila ang magiging epekto ng paninigarilyo? O mas lalo yatang dumami ang bilang ng mga yosi-kadiri? Wala na rin yatang edad, kasarian, at social status ang paggamit nito. Dapat yatang ang gobyerno na ang kusang magtanggal nito sa merkado. Di bale na ang sin tax. Di bale na ang kikitain ng pamahalaan, kung magdudulot lamang sa samu't saring sakit sa mga tao, nagsisigarilyo man o hindi.
Nakakabahala ang ganitong problema. Kahit sa panaginip ko, hindi ko ginusto ang bisyong ito. Lalo na sa totoong buhay, hindi ko talaga kayang maatim ang kahungkagang ito.
Kung may magagawa lamang ako para matigil na ang pagkaadik ng tao sa sigarilyo, gagawin ko... Ngunit, tila usok lamang ng sigarilyo ang kagustuhan kong maapula ang adiksiyong ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment