Followers

Sunday, May 29, 2016

Style na Bulok

Sa gitna ng paroo't paritong tao at sa kasagsagan ng rush hour, nagkabanggaan ang isang magandang babae at isang guwapong lalaki.
"Style mo, bulok!" singhal ng dalaga, saka niya inayos ang kanyang blouse.
"I'm sorry, Miss."
"Sorry? Babanggain mo ako, tapos... tapos ano? Itatanong mo sa akin ang pangalan ko. Kukunin mo ang cellphone number ko. Ang Facebook account ko. Ano?" Pagkatapos, inilibas na niya ang kanyang mamahaling smart phone.
Tinabihan siya ng binata. "Mali ka, Miss... Holdap 'to. Akin na ang cellphone mo." Marahan nitong kinuha ang gadget niya.
Nakatulala pa rin ang magandang babae, habang papalayo ang guwapong lalaki, na kumaway pa bago siya tuluyang nawala. 

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hunyo 2026

Hunyo 1, 2026 Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. P...