Followers

Thursday, May 5, 2016

IdioMother Expressions

Ang "Araw ng mga Ina'' o 'Mothers' Day'' ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Mayo. Ito ay upang kilalanin ang kadakilaan ng bawat ilaw ng tahanan. Isang araw lamang ito, ngunit hindi nangangahulugang isang araw lamang natin silang kikilalalanin, pasasalamatan at mamahalin. Dapat ay araw-araw, minu-minuto at bawat segundo. Sa araw na ito naman, bibigyang-halaga natin ang salitang 'mother', bilang bahagi ng pang-araw-araw na pagsusulat at pagsasalita. Ang salitang 'mother' ay napakamakahulugan. Sa katunayan, ginagamit ito sa mga idyomatikong pananalita. May kasabihan nga, "Mothers know best." Bilang pagpupugay sa mga nanay, inang, mama, mamah, imang, mamay, mommy, mom, momsy, mudra, mother, at kung ano pang katawagan sa ina, narito ang ilang English idiomatic expressions: 1. "Face only a mother could love" Kapag sinabihan ka ng ganito o kapag ang face/mukha mo ay ganyan, pangit ka. Talagang mabubuti ang mga ina. Hindi nila kayang saktan ang kanilang mga anak. Sila lang ang nagsasabing pogi o maganda ang anak nila ( kahit hindi). Ang nangyayari, sila rin ang pinakasinungaling na nilalang sa mundo. Mabuti na lang, hindi liar ang aking ina. (Winks) 2. "Failure is the mother of success." Sa madaling paliwanag, ang tagumpay ay nagsisimula sa pagkabigo. Wala naman kasing naging matagumpay na tao, na hindi dumanas ng pagkatalo o pagkabigo. Sa malalim pang paliwanag, ang ina ay dating anak. Lahat ng ina ay dadaan muna sa pagkabata. Malinaw ba? O, lalong lumabo? (Smirks) 3. "Mother wit" Kapag mayroon ka nito, ikaw ay may common sense. Hindi ko na ipapaliwanag, mother wit na lang 'yan. (Sticks out tongue) 4. "Tied to your mother's apron strings" Palibhasa, kadalasang ina ang nagluluto, nabuo ang idyomang ito. Ito ay mas applicable sa mga lalaking anak. Kapag nasabihan ka nito, katulad ka ng spoiled brat o Mama's boy. Nakatali ka pa kasi sa kanyang apron. Ibig sabihin nito, hindi ka makakilos o makapagdesisyon kapag wala ang iyong ina. Problema 'yan! Paano kung may asawa na? (Thinks and sighs) Ang mga ina ay may malaking bahagi sa buhay ng bawat isa sa atin. Pahalagahan at mahalin natin sila sa tuwi-tuwina. Gayundin naman ang mga idyomatikong pananalitang aking binanggit. Mahalagang matutunan natin ang mga ito. Happy Mothers' Day!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...