Followers

Sunday, August 30, 2015

Plastic is Forever

Totoo ngang may forever.
Ang plastic ay plastic, forever.
Hindi kailanman magiging bakal
O magiging mamahaling bagay.

Oo, pwede itong i-recycle
Pero may hangganan.
Once na lumutong na,
Reject at wala nang halaga.

Ikaw, plastic ka ba?
Forever kang ganyan.
Hintayin mo na lang
Na balewalain ka nila.

Saturday, August 29, 2015

Paano Pahabain ang Buhay?

Gusto mo bang mas humaba ang buhay mo? Dapat nag-o-orgasm ka palagi.

Ayon sa pag-aaral, may kaugnayan ang mahabang buhay sa pagpapalabas ng tamod. Noong 1997, pinag-aralan na ng lalaking madalas labasan ay mas nakakaiwas sa pagkakamatay sanhi ng sakit sa puso. Subalit hindi mapatunayan ang sanhi at bunga ng konklusiyon na ito, pakikipagtalik naman ay may malaking ambag sa kalusugan ng tao.

Kung iisipin, ang pakikipag-sex ay katumbas ng ehersisyo na kung saan bawat kalamnan ng katawan ay nababanat, habang ikinokenekta ko sa isang kapartner ang iyong sexual organ.

Ayon sa isang doktor, ang sex ay nagpapalakas sa immune system, nakakapagbawas ng stress at nakakabuti sa appetite ng isang tao. Prescription na nga ito ng ibang doktor. Ayon sa kanila, dalawa hanggang tatlong beses na pakikipagtalik sa isang linggo ang kailangan para sa mas mahabang buhay.

Kaya, sex… sex… three time a week!


BlurRed: Parang Tula

Malungkot ako maghapon dahil sa nangyari. Apektado tuloy ang focus ko sa lesson. Pati si Riz, nadedma ko yata. 

"Namimiss ko ang boses at ang paggitara mo," sabi ni Riz habang nagsusulat. Di siya tumingin sa akin. 

Nasa bench kami ng campus. 

Tiningnan ko muna siya. Tumingin din siya sa akin. "Gustong-gusto na kita uling kantahan... pero minalas nga ako kagabi. Sorry..."

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Wala. Nararamdaman ko kasi na malungkot ka rin." Inalis ko ang pagkakatitig ko sa kanya. Baka mali ako ng interpretasyon.

"Tama ka. Malungkot ako." Ilang segundo ang dumaan bago siya nakapagsalitang muli. "Nasanay na akong kinakantahan mo ako at tinutugtugan... tuwing vacant period natin."

"Hayaan mo... sisikapin kong makabili next week. Mamayang gabi, eekstra uli ako sa bar." Kumislap yata ang mga mata ko nang sambitin ko ang pangakong iyon. Nakita ko ring bahagyang napangiti si Riz

"Hindi naman ako nagmamadali. Pero, salamat... Salamat dahil binubuhay mo ang puso ko ng mga awitin mo."

Gusto kong kiligin. Ang sarap pakinggan ng mga salitang binitiwan niya. Ang lakas niyang maka-makata. Parang tula sa aking pandinig. 

Muling nagtagpo ang mga mata namin. Nangusap. 

"Riz, maligaya ako kapag napapangiti at napapasaya kita. Alam ko... pagmamahal na itong nararamdaman ko. Kung masyado mang maaga para ma-feel ko 'to, sorry. Ayaw ko na lang itago sa'yo."

"Red, ganun din naman ang nararamdaman ko..." Nahiya siya. Umiwas ng tingin. 

Masyado na kaming madrama.

"So... it's a tie!" bulalas kong biro. 

Nagtawanan kami. Tapos, kinurot niya ako nang bahagya sa braso. 

"Ikaw talaga!" Sumandal pa siya sa braso ko. 

Ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon. 

Friday, August 28, 2015

Laki at Hugis Ni Manoy

Ang laki at hugis ng bawat manoy ay magkakaiba. Magkakaiba rin kasi ang paraan kung paano ito tinuli o itinatago sa salong-ari. Ngunit, anuman ang anyo, haba, laki, kulay at hugis nito, tiyak akong may babaeng maliligayahan dito.

Alin ang sa'yo o ang gusto mo?

Saging. Ang manoy na hugis-saging ay nakaarko. Take note: pababa! Oo, pababa. Kaya kapag matigas, nakayuko ito. Mag-iingat ang mga babae dahil aakalain nilang maiksi lamang ito. Pero kapag ito ay ginusto ng kapartner na mahilig magpa-doggy, malamang maiiba ang kanyang lakad. Matindi rin ito sa missionary position dahil tumbok na tumbok nito ang clitoris o G-spot. Sigurado rin ang masaganang putok kapag pumaimbabaw na ang kapareha.

Maso. Hindi bigat o laki ang pinag-uusapan dito, kundi ang hugis. Mayroong hugis-maso and at the same time, huigs saging pa. Doble ang sarap. Ito ay mainam para sa lahat ng uri ng posisyon. Minsan lang, hindi nito mahagawang mapalibog ang ka-mate. Ngunit tiyak akong sa bawat paghayod ng ulo nito, isang napakasarap na sensayon ang naibibigay sa babae dahil nahahagod nito ang kaloob-looban ng kanyang hiyas. Sapat iyon upang mapasabog niya ang mainit na lava. Iwasan lamang ang deep penetration sapagkat ang G-spot ay mababaw lamang.

Vitamin C. Ang kargadang ito ay kahugis ng malaking titik C. Ang dahilan ng pagiging C ng isang ari ng lalaki ay maaaring ang sakit na Peyrione, dahil sa aksidente o dahil sa pagkakaipit nito sa brief kapag tumitigas. Gayunpaman, masarap ang naibibigay nitong libog lalo na kapag spooning position o saddle position ang ginamit. Kung uupo ang lalaki sa sofa o anumang upuan at uupuan siya nang patagilid ng babae, sigurado na ang pambihirang ligaya para sa dalawa.

Hugis-S. Kung msy hugis C, may hugis S. Kumplikado ito. Bihira. Pero, totoong nakakapagpaligaya. May pagkakataon namang hindi. Depende ito sa lalaki.

Guyabano. Exaggerated kung totoong guyabano ang tinutukoy ko. Ang hugis lamang ang katulad ng ganitong bur*t. Kaya nga, may kilala ito sa tawag na 'Fat Penis'. Kadalasan, ang haba nito ay 4 hanggang 5 pulgada. Ang lapad naman ay 4 hanggang 6 na pulgada. Ang babaeng gagamit nito ay parang punong-puno ng tubig ang kanyang bibig at parang manganganak na siya. Mainam ito sa lahat ng posisyon. Suwerte ang mga babaeng malalaki ang puwerta dahil mararamdaman pa rin nila ang pagkiskis ng ari ng lalaki sa kanilang ari. Ang malas naman ng babaeng may masikip na kepyas. Masakit ito. Pero may lubricant naman para maging madulas at masarap.

Lima pa lang iyan sa maraming laki at hugis ng manoy ng lalaki na magpapakatas sa kuweba ng babae. Tandaan: 'Size doesn't matter. Style does."

Trapong Politiko (Tune: Pusong Bato)

Nung ika'y iboto ko
Ugali mo'y biglang nagbago
Akala ko ay kay bait
Yun pala'y wala nang puso
Sabi mo noon sa'min
Kailan ma'y di magbabago
Naniwala kami sa'yo
Ba't ngayo'y ginagago?

Koro:
Di mo alam dahil sa yo
Ako'y di na boboto
Di na rin paaabuso
Buhat nang iyong babuyin
Kung kami'y muling boboto
Sana'y sa isang di tulad mo
Tulad mong trapong politiko.

Kahit san ka man ngayon
Dinggin mo itong awitin
Baka sakaling ika'y magising
Ang matigas mong damdamin

(Ulitin ang Koro)

Di mo alam dahil sa yo
Ako'y di na boboto
Di na rin paaabuso
Buhat ng iyong babuyin
Kung ako'y muling boboto
Sana'y sa isang di tulad mo
Tulad mong trapong politico.

(Ulitin ang Koro)

Tulad mong trapong politiko.


Patapong Balat ng Saging: Kapaki-pakinabang

Ang saging ay mayaman sa potassium na kailangan ng ating katawan. Mainam din ito para sa ating mga mata, puso at tiyan. Kaya naman, ito ang paboritong pagkain ng mga Minions at unggoy. Ngunit, alam mo bang pati ang balat nito ay may mga kamangha-mangha ring kagamutan at gamit? Kinagat ka ba ng insekto? Madali lang `yan. Kumuha lamang ng balat ng saging at ipahid ito direkta sa bahaging kinagat ng lamok, surot, ipis, bubuyog o anumang insekto. Huwag kang mag-alala, hindi ito mahapdi. Nagalusan ka ba? Huwag nang mag-atubiling pahiran ng balat ng saging ang mismong galos dahil mapapabilis nito ang paghilom ng sugat. Maiiwasan mo pa ang pagpepeklat. Anong panama ng Betadine, agua oxinada at merthiolate? Maninilaw ba ang iyong mga ngipin? Ang sagot diyan ay balat ng saging. Kuskusin lang nito ang mga bahaging naninilaw sa loob ng ilang minuto, araw-araw. Araw-araw ka nang makakakain ng saging, masisiguro mo pang maputi at Close-Up smile ka. Basta, huwag mo lang kalimutang magsipilyo. Aanhin mo naman ang maputing ngipin kung mabaho naman ang iyong hininga? Tigyawatin ka ba? Don't worry. May solusyon na sa problema mo. Balat ng saging is on the go. Magpahid ka lang nito sa mga apektadong bahagi ng katawan tuwing gabi. Mababawasan ang pangangati at paglobo ng mga tigidig mo. Huwag mo lang kalimutang magbanlaw bago matulog dahil baka langgamin ka naman. May psoriasis ka ba? Mabilis lang 'yan matanggal. Ang mahika ng balat ng saging ang kailangan mo. Gawin mo lang itong lotion araw-araw, makikita mo ang mga pagbabago. Mababawasan ang pangangati nito at magkakaroon ng moisture ang balat mo. Sa maikling panahong gagawin mo ito, gagaling ang ikinahihiya mong skin disease. Kung may mga kati-kati at pantal-pantal ka, kailangan mo rin ang balat ng saging. Ipahid mo lang ito sa mga apektadong bahagi dalawang beses sa isang araw at presto! Parang mina-magic ang rashes at kati-kati mo. Mura na, hindi pa mabaho kumpara sa mga ointment na nabibili sa mga botika. Masakit ang ulo mo? No need ang paracetamol o 'tugmolodon'. Isang balat lang ng saging ang katapat niyan. Sa pagpatong nito sa iyong noo, mararamdaman mong bababa ang sakit ng ulo mo. Sa paglilinis ng sapatos (leather), ang balat ng saging ay dabest bilang shoe polish. Ipahid ito sa sapatos at pakintabin ng malinis na basahan o tela. Maaari rin itong gawin sa leather sofa at leather jacket. Isang pang gamit ay kung may kaaway ka, painan mo ng balat ng saging ang kanyang daraan para madulas siya. Lolz. Sa ganitong mga problema at karamdaman, balat ng saging lang ang kailangan. Hindi kailangang mahal ang gamot at solusyon. Minsan, kung alin pa ang patapon, iyon pa ang may malaking tulong.

Bakit Di Kayo Makabuo?

Ilang taon na kayong nagsasama at nagniniig, pero hindi pa rin kayo makabuo. May problema sa inyo. May mga bagay na pinaniniwalaan niyong hindi nakakaapekto sa sperm count.
May dapat kayong malaman.
Ang underwear ay nakakaapekto sa kalusugan ng sperm. Pinapayo ng ibang doktor ang pagsusuot ng boxer kaysa sa brief o anumang masikip na undie. Mas maluwag, mas malaya ang sperm production.
Ang mga ugat sa bayag (varicoceles) ay nakakasagabal sa pagbuo ng similya. Kinse porsyento ng mga kalalakihan ay may varicoceles. Ito ang mga varicose veins sa kaliwang scrotum. Ipinapayo naman ng mga doktor na magpa-varicose repair ang sinumang lalaking may ganitong problema upang maging normal ang pagdaloy ng dugo o semen.
Ang paggamit ng cellphone ay maaari rin palang maging dahilan ng ganitong suliranin. Ang mahigit na apat na oras sa isang araw na paggamit nito ay nakakabawas sa kakayahang makabuo ng malusog na similya. Ang radiation ng cellphone ang numero unong pumipigil sa paggalaw ng similya tungo sa kanyang kapareha. Kaya nga mas malapit ang celphone sa reproductive organs sa mas mataas ang chance ng fertility. Ang taong naglalagay ng cellphone sa harapang bulsa ay pinaniniwalaang may mababang sperm counts.
Ang obesity ay salik din sa pagiging inutil ng isang tao na makabuo ng malusog na similya. Ang mga lalaking obese ay bumababa ang kakayahan ng testis na gumana. Pinahihina rin ng mataas na uri ng obesity ang kakayahang sekswal at reproduksiyon ng isang tao.
Mawawala ba ang mga bisyo sa listahan. Ang pag-aabuso sa marijuana, alak at sigarilyo ay mga dapat iwasan kapag nagnanais makabuo. Nakakapagpababa ng sperm count ang pag-inom ng alak at paghithit ng marijuana. Napipigilan naman ng yosi ang pakikipagtago ng cells sa kaparehang cells. Sa madaling sabi, ang mga ito ay nakakaapekto sa fertility ng isang tao.
Bukod sa mga ito, maaari ring dahilan ang genetic disorders, anti-sperm antibodies, hormonal imbalance, testicular cancer, undescended testicles o sexual problems, like erectile dysfunction. Maaari rin namang maging dahilan ang blockages, na sanhi ng infection, vasectomy o by birth.
Pagkatapos mong malaman ang mga ito, tiyak makakabuo na kayo. Goodluck!

Wednesday, August 26, 2015

Kung

Kung mali na tumutuligsa sa mga liko,ano na ang kabuluhan ng batas ng tao?Kung kasalanan na ang magsabi ng totoo,ano pa ang uusbong na mga panloloko?Kung mas papanigan pa ang mabahoanong klase na ang ating mundo?

Tuesday, August 25, 2015

Ang Grado ay Numero Lamang

Magulang ka ba na handang makipag-away dahil lang sa grades ng anak?
Pathetic!
Okay lang naman sana. Karapatan mo iyon bilang isang magulang. Pero, dapat niya namang irespeto ang resulta o ang desisyon ng guro. Ang guro ang nakakaalam ng kapasidad ng anak mo. Siya ang guro. Siya ang magbibigay ng grado. Gusto mo pala niya ng mataas na marka, bakit mo ipapasok ang anak mo sa kanya. Dapat pala ikaw na ang guro para ikaw na ang magbigay ng grades sa anak mo.
Simple logic.
Ang grade ay numero lang. Hindi ito basehan ng katalinuhan. Nadadaya ang numero. Nababawasan. Nadadagdagan. Pero, ang utak... never mong mapepeke.
Ang kaalaman ay mananahan sa utak, mananalaytay sa buong katawan at rerehistro sa pananalita at kilos. Ang grade sa card, kapag nabasa o napunit o nawala o nasunog, anong katunayan mo na may mataas na marka ang anak mo?
Grade conscious ka masyado! Hindi ka naman naging matalino nang nakipag-argue at nakipag-away ka sa guro para lang sa grado. Gaano ka kasigurado na ang anak mo ay matalino?

Sunday, August 23, 2015

BlurRed: Wallet

"Magkano pa ba ang kulang sa pera mo para makabili ka ng gitara?" tanong ni Dady bago umalis kagabi papuntang MusicStram. 

"Konti na lang po."

"Konti na lang pala, e. Bakit kailangan mo pang bumalik doon kay Boss Rey mo?"

"Oo nga, nak. nalimutan mo na ba ang ginawa niya sa'yo?" Si Mommy naman ang nagtanong.

"Gusto ko po kasing pinaghihirapan ko ang mga ipambibili ko ng gamit. Okay lang po. Nag-e-extra lag naman ako dun."

"Sure ka?" si Mommy uli.

"Opo. Wag mo kayong  mag-alala, Mommy, Daddy." Kinindatan ko pa sila bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Natawa lang ang aking mga magulang. Kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala nila. Gusto ko rin naman kasing makabawas ako sa gastusin at makatulong na rin, lalo't nalalapit na ang pagsilang ng aking kapatid.

Bago nagsidatingan ang mga customer ng bar, nakapag-rehearse pa ako ng mahigit tatlong kanta. Ang hirap ng walang gitara. Kailangan ko pang pumunta sa bar ng maaga. Di bale ilang araw lang ay mabubuo ko na ang pera. Nakakita na ako sa mall. Mura na at quality pa. 

"Red, ang aga mo ah!" bati s akain ni Jeoffrey.

"Oo. Kailangan, e. nag-practice ako," turan ko. "Ikaw, bakit andito ka?Tutugtog ka rin ba uli kasama ng BlackSticks?"

"Hindi. Di na sila tumutugtog dito. Hindi na rin ako ang drummer nila.Di ko pa pala nasabi sa'yo?"

"Ah... E, bakit ka nga andito?"

"Nagpapatulong si Boss na linisin ang office niya."

"Ah..."

Pinatugtog agad ako ni Boss Rey, bandang alas-otso kahit wala pang masyadong tao. Tapos, inalok akong tumulong kay Jeoffrey. Dadagdagan niya na lang daw ang bayad sa akin. Since, kailangan ko, pinatos ko na. Sayang din, eh. 

Alas-onse na kami natapos ni Jeoffrey. Nag-order pa kasi ng pagkain si Boss. Pinakain niya muna kami. 

Hinatid ako ni Jeoffrey sa sakayan ng dyip. Habang nag-aabang akong masasakyan, naisipan kong bilangin ang pera ko sa wallet. Excited kasi akong mabili ang gitarang nakita ko sa mall.

"Hoy, itago mo 'yan, baka maholdap ka." pabulong na sawata sa akin ni Jeoffrey. 

Aware naman ako. Pero, itinuloy ko pa rin. "Hindi 'yan. Wala namang tao, e."

"Ikaw ang bahala." 

Maya-maya, tatlong lalaki ang lumapit sa amin. Ang payat na lalaki ay nasa harapan ko. Ang isa naman ay nasa likod ko habang itinututok ang patalim sa tagiliran ko. "Akin na ang wallet mo kung ayaw mong maging gripo ang katawan mo," aniya.

Pareho kaming di nakapalag ni Jeoffrey. Lahat sila ay may patalim. Parang walang nangyari. Lumakad-takbo lang sila palayo sa amin. Ni hindi ako nakaimik agad. Isang mura pa ang nasambit ko.

"Yan na nga ang sinasabi ko, e. Ayan, gitara na, naging bato pa!" sabi ni Jeoffrey na may halong paninisi.

"Kasabwat mo yata ang mga yun e!" wala sa loob kong biro.

"Hoy, gago! Binalaan lang kita..."

Mabuti na lang may barya ako sa bulsa. Nakauwi pa ako. Isang malaking pagsisisi ang naganap pagkauwi ko. Awang-awa sa akin sina Mommy at Daddy. Gusto ko ngang umiyak. Napigil ko lang dahil strong ako, sabi nila. 



Saturday, August 22, 2015

Facebook slash Diary


         Ang Facebook ay parang diary dahil may 'update status'. 
        Ang mga user ay nagpo-post ng kanilang saloobin, activities o kuro-kuro. May kalayaan ang bawat isa. Pero, tandaan na may limitasyon dapat. Huwag naman sanang pati pagmumura mo ay isama pa. Hindi lang ikaw ang nakakabasa ng post mo. Kung may galit ka sa kapwa mo, personalin mo siya. Huwag kang magtapang-tapangan sa account mo.
        Kung hindi mo kayang gawin ito, mag-diary ka na lang para di mo masira ang sarili mong imahe.


Hijo de Puta: Ciento dise-sais

Nagpumilit akong magpa-discharge kahit ipinayo ng doktor na mag-stay pa ako para mabuo ang 36 hours. Hindi ko na kinaya ang lungkot. Mabuti napilit ko. 

Kahit delikado, bumiyahe ako pabalik sa pad ko. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit lumabas ako sa hospital gayong mag-iisa rin naman ako sa bahay.

Ganun din ang nangyari. Wala rin pala akong kasama. Mas nalayo pa kay Lianne. Inisip ko na lang baka dalawin niya ako. 

Alas-diyes na ng gabi nang maisipan kong i-text si Jake. Ipinaalam ko sa kanya ang nangyari. Nag-reply naman agad siya na pupuntahan niya ako agad. After one hour, may kumatok na. 

"Dok?!" Nagulat ako sa pagdating niya. Akala ko si Jake.

"Anong nangyari sa'yo?" Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan akong lumakad pabalik sa kama.

"Salamat! Pero bakit nandito ka?" 

"Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga, matutulungan kitang mapagaling ang sugat mo. Uminom ka na ba ng gamot"

Tumango lang ako. Nai-intimidate ako sa kanya. 

Mula sa kanyang clutcbag, naglabas ang doktor ng yosi at lighter. Maya-maya, napuno ng usok ng sigarilyo ang sala ko. Umubo kunwari ako para iparamdam sa kanya na bawal sa bahay ko ang nicotine. Pero, sumige lang siya na parang nang-aasar. 

Nang maubos niya ang yosi, saka siya nagsalitang muli. "Hector, nakukuha ko lahat ng gustuhin ko."

Nagsimulang gumapang ang takot ko sa aking katawan, lalo na nang lumapit siya sa akin. Hindi lang ako natinag at nagpahalata. Ang totoo, mahina ako sa oras na iyon. 

Sinimulan niyang hagurin ang pisngi ko, pababa sa leeg ko. Pagkatapos, dinukwangan niya ako. "Akin ka na..." bulong niya. "...ngayong gabi." Idinampi niya pa ang mga labi niya sa leeg ko.

Umiwas ako. "Umuwi ka na, please. Darating sina Lemar at Jake."

Tumawa lang siya. Lalo akong natakot. Kakaiba ang mga kilos at tingin niya. Naglaro tuloy ang utak ko. Naghanda ako. Ramdam ko, may plano siya.

Nagtanggal na ang t-shirt ang doktor. Ako naman ay agad na hinagilap ang cellphone ko at tinext uli si Jake. Sabi ko, saan na siya. Ang kaso, na kay Dok Val ang cellphone niya. Noon ko lang naalala. Kumabog nang mas matindi ang dibdib ko. Wala pa naman akong load pantawag. Tatawagan ko sana si Lemar. 

Bago pa ako nakapagsend ng isa pang message sa katrabaho ko sa Xpose, nakalapit na siya sa akin at naagaw ang cellphone. Hinagis niya iyon sa kama at saka niya ako niyakap patalikod. Mas malakas siya sa akin sa mga oras na iyon. Hindi ako makaalma dahil nakakapit na siya sa tiyan ko. Konting galaw ko lang ay masasagi niya ang benda ko sa tagiliran. 

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagtigas ng kanyang bur*t dahil sa pagkaskas niya sa puwet ko.

"Huwag ngayon, Val. May sugat ako..." mahinahon kong sabi. 

Hindi siya tumugon. Bagkus, sinimulan na niyang laruin ang walang buhay kong alaga habang nag-iisip ako ng paraan para matigil siya. 

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...