Followers

Wednesday, August 19, 2015

Dulot ng Wikang Filipino

Kaunlaran ng ating bansa, kay ilapPagkakaisa ay isa lang pangarapAting demokrasya ay paandap-andapEkonomiya’t politikang kay saklap.


Bansang Pilipinas kailan ka uunlad?Paano makakamit magandang palad?Mayayamang bansa, sana ang katuladAt sa daang matuwid tayo lalakad.


Kung Wikang Filipino, gagawing hagdanTungo sa’ting pangarap na kaunlaranMaipagmamalaki nating ‘tong bayanMagiging mainam na isang tahanan.


Pambansang wika, tungo sa pagbabago
Isulong… mahalin… gawing instrumentoProduktibong mamamayang PilipinoAng madudulot ng wikang Filipino!

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 13

Elias Maticas 13   Nag-iba ng daan si Elias upang umiwas sa mga tsismoso at tsismosa sa tindahan ni Manay Gloria. Kaya lang nahirapan na...