Hindi pa rin napapalitan ni Fatima ang gitarang winasak niya. Nagmamatigas pa. Nang kinausap ko siya noong isang araw, sabi niya ay maghintay raw ako kung kelan niya ako babayaran. Hindi ko na nga kukulitin. Kung ibabalik niya, salamat! Kung hindi, konsensiya na lang niya. Ang mahalaga, lubayan na niya kami ni Riz.
Nag-decide tuloy akong kontakin si Jeoffrey para itanong kung willing pa niya akong samahan sa sinasabi niyang bar na naghahanap ng musicians-performers. Pumayag naman siya. Ang kaso, hindi pala ako pwedeng mag-apply aksi wala akong gagamiting gitara. Ni hindi ako nakapaghanda ng piece ko. Sh*t!
Malas.
Tumawag si Jeoffrey ilang minuto pagkatapos ng aming text conversation. "Ganito na lang. Bumalik ka kay Boss Rey. Pansamantala. Pag may pambili ka na ng gitara, saka ka umalis."
"Extra?'' tanong ko. Parang di ako kumbinsido sa idea niya.
"Oo! Extra ka lang."
"Papayag kaya ang boss mo?'' sarkastiko kong tanong. "E, laging may hidden agenda ang mga kontrata nun..."
Saglit na natigilan si Jeoffrey. "Bakit di mo subukan? Malay mo..."
"Pag-isipan ko, Bro. Mahirap na. Sa dami ng ginawa niya sa akin, hirap na akong magtiwala. Salamat!"
"Sige, bro! Ingat!"
Sinabi ko kay Riz ang bagay na ito. Sabi niya, tama naman daw ang kaibigan ko. Hindi ko lang masabi na masama ang kutob ko kay Boss Rey at kay Jeoffrey. Kung aasahan ko daw ang bayad ni Fatima, suntok sa buwan. Naisip ko ring i-report ko ulit sa Guidance's Counselor. Huwag na raw. Mag-aaksaya lang ako ng panahon at effort. Sabagay, tama naman siya. Luma na rin naman ang gitara ko. Marami nang naitulong nun sa akin. Ang masaklap lang kasi, sa ganung paraan pa nawasak.
No comments:
Post a Comment