Followers

Tuesday, August 18, 2015

Tagumpay

Ang tagumpay ay may ngiti
Kung walang batas na nabali
Kung dulot ng pagpupunyagi.
Tila naabot, dulo ng bahaghari.

Ang tagumpay ay di minamadali
Pinaghahandaan ito nang maigi
Upang mas masarap ang pag-ani
Kalidad din ang magiging binhi.

Ang pangarap ng iba'y sisidhi
Pagkat nakamit iyong minimithi
Sa matamis na pagpupunyagi
At hindi sa pagmamadali.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...