Ang saging ay mayaman sa potassium na kailangan ng ating katawan. Mainam din ito para sa ating mga mata, puso at tiyan. Kaya naman, ito ang paboritong pagkain ng mga Minions at unggoy. Ngunit, alam mo bang pati ang balat nito ay may mga kamangha-mangha ring kagamutan at gamit?
Kinagat ka ba ng insekto? Madali lang `yan. Kumuha lamang ng balat ng saging at ipahid ito direkta sa bahaging kinagat ng lamok, surot, ipis, bubuyog o anumang insekto. Huwag kang mag-alala, hindi ito mahapdi.
Nagalusan ka ba? Huwag nang mag-atubiling pahiran ng balat ng saging ang mismong galos dahil mapapabilis nito ang paghilom ng sugat. Maiiwasan mo pa ang pagpepeklat. Anong panama ng Betadine, agua oxinada at merthiolate?
Maninilaw ba ang iyong mga ngipin? Ang sagot diyan ay balat ng saging. Kuskusin lang nito ang mga bahaging naninilaw sa loob ng ilang minuto, araw-araw. Araw-araw ka nang makakakain ng saging, masisiguro mo pang maputi at Close-Up smile ka. Basta, huwag mo lang kalimutang magsipilyo. Aanhin mo naman ang maputing ngipin kung mabaho naman ang iyong hininga?
Tigyawatin ka ba? Don't worry. May solusyon na sa problema mo. Balat ng saging is on the go. Magpahid ka lang nito sa mga apektadong bahagi ng katawan tuwing gabi. Mababawasan ang pangangati at paglobo ng mga tigidig mo. Huwag mo lang kalimutang magbanlaw bago matulog dahil baka langgamin ka naman.
May psoriasis ka ba? Mabilis lang 'yan matanggal. Ang mahika ng balat ng saging ang kailangan mo. Gawin mo lang itong lotion araw-araw, makikita mo ang mga pagbabago. Mababawasan ang pangangati nito at magkakaroon ng moisture ang balat mo. Sa maikling panahong gagawin mo ito, gagaling ang ikinahihiya mong skin disease.
Kung may mga kati-kati at pantal-pantal ka, kailangan mo rin ang balat ng saging. Ipahid mo lang ito sa mga apektadong bahagi dalawang beses sa isang araw at presto! Parang mina-magic ang rashes at kati-kati mo. Mura na, hindi pa mabaho kumpara sa mga ointment na nabibili sa mga botika.
Masakit ang ulo mo? No need ang paracetamol o 'tugmolodon'. Isang balat lang ng saging ang katapat niyan. Sa pagpatong nito sa iyong noo, mararamdaman mong bababa ang sakit ng ulo mo.
Sa paglilinis ng sapatos (leather), ang balat ng saging ay dabest bilang shoe polish. Ipahid ito sa sapatos at pakintabin ng malinis na basahan o tela. Maaari rin itong gawin sa leather sofa at leather jacket.
Isang pang gamit ay kung may kaaway ka, painan mo ng balat ng saging ang kanyang daraan para madulas siya. Lolz.
Sa ganitong mga problema at karamdaman, balat ng saging lang ang kailangan. Hindi kailangang mahal ang gamot at solusyon. Minsan, kung alin pa ang patapon, iyon pa ang may malaking tulong.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment