Anak ng pugita! Matagal na pala tayong nasakop ng mga aliens. Nasa karagatan lamang sila.
Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang kabuuan ng mga octopus o pugita upang mapatunayan nila na ang mga ito ay naiiba sa karamihang hayop sa mundo.
Si Dr. Clifston Ragsdale, isang Amerikanong mananaliksik na mula University of Chicago, ay nagsabing ang mga octopus ay ibang-iba kaysa sa ibang hayop, kahit na sa mga molluscs. Sa taglay nitong walong galamay na may malakas na puwersa; malaking utak; at pambihirang kakayahang sa problem-solving, masasabing sila ay mga aliens nga.
Iginiit din ng namayapang British zoologist na si Martin Wells na ang mga pugita ay alien. Dahil dito, sinuri ang genome (gene + chromosome) ng isang pugita. Ayon sa mga sumuri, ang dalawang bahagi ng genome ng octopus ay humigit-kumulang sa 2.7 bilyon base pairs ( ang chemical units of DNA).
Maliban sa nakakakilabot nilang mga galamay (tentacles), ang mga pugita ay nagtataglay ng mga mata na parang camera, na sensitibo sa polirised na liwanag. May kakayahan din siyang mag-iba ng kulay o pattern upang protektahan ang sarili o magamit niya sa panghuhuli ng pagkain. Ito ay tinatawag na camouflage systems. Ang pagkakaroon niya ng tatlong puso ay isa ring katangiang maihahalintulad sa alien. Ang kakayahang jet-propulsion o abilidad nitong sumulong nang mabilisan gaya ng jet ay tanda rin ng pagiging alien. Plus, may kakayahan din itong magpatubong muli ng galamay kapag naputol o napinsala.
Kung ang mga pugita ay mga alien nga, wala namang masama dahil tahimik naman silang namumuhay sa kailaliman ng karagatan. Kung gagambalahin natin sila, saka lamang sila magiging mapaminsala.
No comments:
Post a Comment