Followers

Tuesday, August 11, 2015

BlurRed: Kamay

"Lagi mo akong napapangiti, Red." nahihiya pero malinaw na tinuran ni Riz, matapos kong matugtog ang 'Night Changes'. Nginitian niya pa ako nang kay tamis. Tapos, bigla siyang yumuko at inipit niya ang buhok sa kanyang kanang tainga.

Naisip kong oras na para kumilos ako at magtapat. 

Nginitian ko rin siya at niyakap ang aking gitara. "Salamat, Riz! Lagi ko rin namang iniisip na pangitiin ka." Gusto ko sanang sabihing siya lagi ang dahilan ng pagngiti ko kaya inabot ako ng hiya.

Dumaan ang anghel...

"Naalala mo ba noong... noong hinarana mo ako sa parke?" tanong niya. Nakatingin na siya sa akin.

Natawa ako. "Hindi mo nagustuhan ang kanta ko?" Gusto ko lang siyang hulihina t magsabi ng totoo. 

"Hindi! I mean... gusto ko. Gustong-gusto ko." 

Nagulat ako nang ipatong niya involuntarily ang kanyang palad sa palad ko. Hindi ko iyon tiningnan para di siya maasiwa. Ninamnam ko na lang habang nagsasalita siya.

"...Alam mo bang... gustong-gusto ko nang humiyaw nun sa tuwa?"

"Bakit... di mo ginawa?"

Binawi na niya ang palad niya. "Naiinis ako sa'yo... Nagseselos ako kay Dindee. Alam mo yun.. Pinagsisihan ko rin ang ginawa ko sa'yo... Dahil dun.. heto."

Wala akong maisip na salita para sabihing hindi niya dapat sisihin ang sarili niya. Ilang beses kaming nagkatinginan bago ako nakapagsalita. "Riz, kung itutuloy ko ba 'yun... " Inabot na naman ako ng pagkatorpe. Hindi ko na naman masabi. Nasa dulo lang ng dila ko. 

Naghintay si Riz. 

"... pwede bang maging tayo?" Sa wakas, naitanong ko rin! Tapos... tapos, kinuha ko ang kamay niya. Kinulong ko sa mga kamay ko. "Riz, ituloy natin. Mahal kita. Mahal na mahal kita."

Ninamnam namin ang sandaling iyon kahit wala nang lumabas na salita sa aming mga bibig. Kulang na lang ay sumandal siya sa dibdib ko para masabi kong ang sweet namin ng mga sandaling iyon. 

Hindi ko na kailangan pang itanong na pumapayag na siya. Sapat na ang hindi niya inalis ang kamay niya sa mga kamay ko.





No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...