Followers

Saturday, August 29, 2015

BlurRed: Parang Tula

Malungkot ako maghapon dahil sa nangyari. Apektado tuloy ang focus ko sa lesson. Pati si Riz, nadedma ko yata. 

"Namimiss ko ang boses at ang paggitara mo," sabi ni Riz habang nagsusulat. Di siya tumingin sa akin. 

Nasa bench kami ng campus. 

Tiningnan ko muna siya. Tumingin din siya sa akin. "Gustong-gusto na kita uling kantahan... pero minalas nga ako kagabi. Sorry..."

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Wala. Nararamdaman ko kasi na malungkot ka rin." Inalis ko ang pagkakatitig ko sa kanya. Baka mali ako ng interpretasyon.

"Tama ka. Malungkot ako." Ilang segundo ang dumaan bago siya nakapagsalitang muli. "Nasanay na akong kinakantahan mo ako at tinutugtugan... tuwing vacant period natin."

"Hayaan mo... sisikapin kong makabili next week. Mamayang gabi, eekstra uli ako sa bar." Kumislap yata ang mga mata ko nang sambitin ko ang pangakong iyon. Nakita ko ring bahagyang napangiti si Riz

"Hindi naman ako nagmamadali. Pero, salamat... Salamat dahil binubuhay mo ang puso ko ng mga awitin mo."

Gusto kong kiligin. Ang sarap pakinggan ng mga salitang binitiwan niya. Ang lakas niyang maka-makata. Parang tula sa aking pandinig. 

Muling nagtagpo ang mga mata namin. Nangusap. 

"Riz, maligaya ako kapag napapangiti at napapasaya kita. Alam ko... pagmamahal na itong nararamdaman ko. Kung masyado mang maaga para ma-feel ko 'to, sorry. Ayaw ko na lang itago sa'yo."

"Red, ganun din naman ang nararamdaman ko..." Nahiya siya. Umiwas ng tingin. 

Masyado na kaming madrama.

"So... it's a tie!" bulalas kong biro. 

Nagtawanan kami. Tapos, kinurot niya ako nang bahagya sa braso. 

"Ikaw talaga!" Sumandal pa siya sa braso ko. 

Ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...