Followers

Wednesday, August 12, 2015

Nakakauyam na Hangin

NAKAKAUYAM NA HANGIN

Kapag lumalayo na ang mga kaibigan at pamilya mo tuwing nagsasalita ka, alam mo na 'yun--- may halitosis ka.

Ano ba ito?

Ang halitosis ay masamang amoy mula sa hininga ng isang tao na maaaring pasulpot-sulpot o di na nawawala, depende sa dahilan.

May clue ka na ba?

Yes! Ito ay mas kilala sa tawag na bad breath.

Bakit ba kasi bumabaho ang hininga ng isang tao? Ano-ano ba ang sanhi nito?

Una. Ang impeksiyon sa bunganga. Kapag ang gums ay madalas na dumugo, nagiging dahilan ito ng pagkabulok o pagdami ng mga bakterya. Ang bakterya ang siyang nagdadala ng mabahong hininga. Idagdag pa ang mga bulok na ngipin.

Pangalawa. Ang paninigarilyo. Ito ang pinakasanhi ng halitosis. Hindi lang ito bad sa health, nakakapagbigay pa ito ng bad breath.

Pangatlo. Mababahong pagkain. Kapag kumain ka ng mabahong pagkain, malamang babaho rin ang iyong hininga. Ang mga pagkaing ito ay sibuyas, bawang at tabako. Isama mo pa ang mga inuming may alkohol.

Pang-apat. Malimit o maling pagpo-floss at pagsisipilyo. Ang mga tinga o maliliit na pagkaing sumingit sa palibot ng mga ngipin, gums at dila ay nakakabuhay ng mga bakterya na siya namang sanhi ng bad breath.

Panglima. Ang dry mouth o xeristomia. Ito ay problema sa salivary gland o dulot ng pag-inom ng gamot at paghinga sa bibig. Ito ang madalas na sanhi ng bad breath. Dito kasi mas nabubuhay ang mga germs na magdudulot ng masamang amoy.

Pang-anim. Mga sakit sa katawan. Posibleng magkaroon ng bad breath ang mga taong may sakit na diabetes, liver disease, kidney disease, lungs illness, sinus disease, reflux disease at iba pa.

Isa ka ba sa may mga sintomas ng halitosis? Huwag ka nang magpatumpok-tumpik pa, makipagkita na sa dentista. Naamoy ka nga ng iba, bakit di mo maamoy ang bibig mo? Wala namang magsasabi sa'yo na may bad breath ka kaya magkusa ka na.

Ang bad breath ay nakakasira sa relasyon, samahan at pagkakaibigan. Kahit gaano ka kahalaga sa iyong kaibigan, pamilya o partner, ang halitosis ay isa pa ring nakakauyam na hangin.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...