Followers

Sunday, August 23, 2015

BlurRed: Wallet

"Magkano pa ba ang kulang sa pera mo para makabili ka ng gitara?" tanong ni Dady bago umalis kagabi papuntang MusicStram. 

"Konti na lang po."

"Konti na lang pala, e. Bakit kailangan mo pang bumalik doon kay Boss Rey mo?"

"Oo nga, nak. nalimutan mo na ba ang ginawa niya sa'yo?" Si Mommy naman ang nagtanong.

"Gusto ko po kasing pinaghihirapan ko ang mga ipambibili ko ng gamit. Okay lang po. Nag-e-extra lag naman ako dun."

"Sure ka?" si Mommy uli.

"Opo. Wag mo kayong  mag-alala, Mommy, Daddy." Kinindatan ko pa sila bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Natawa lang ang aking mga magulang. Kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala nila. Gusto ko rin naman kasing makabawas ako sa gastusin at makatulong na rin, lalo't nalalapit na ang pagsilang ng aking kapatid.

Bago nagsidatingan ang mga customer ng bar, nakapag-rehearse pa ako ng mahigit tatlong kanta. Ang hirap ng walang gitara. Kailangan ko pang pumunta sa bar ng maaga. Di bale ilang araw lang ay mabubuo ko na ang pera. Nakakita na ako sa mall. Mura na at quality pa. 

"Red, ang aga mo ah!" bati s akain ni Jeoffrey.

"Oo. Kailangan, e. nag-practice ako," turan ko. "Ikaw, bakit andito ka?Tutugtog ka rin ba uli kasama ng BlackSticks?"

"Hindi. Di na sila tumutugtog dito. Hindi na rin ako ang drummer nila.Di ko pa pala nasabi sa'yo?"

"Ah... E, bakit ka nga andito?"

"Nagpapatulong si Boss na linisin ang office niya."

"Ah..."

Pinatugtog agad ako ni Boss Rey, bandang alas-otso kahit wala pang masyadong tao. Tapos, inalok akong tumulong kay Jeoffrey. Dadagdagan niya na lang daw ang bayad sa akin. Since, kailangan ko, pinatos ko na. Sayang din, eh. 

Alas-onse na kami natapos ni Jeoffrey. Nag-order pa kasi ng pagkain si Boss. Pinakain niya muna kami. 

Hinatid ako ni Jeoffrey sa sakayan ng dyip. Habang nag-aabang akong masasakyan, naisipan kong bilangin ang pera ko sa wallet. Excited kasi akong mabili ang gitarang nakita ko sa mall.

"Hoy, itago mo 'yan, baka maholdap ka." pabulong na sawata sa akin ni Jeoffrey. 

Aware naman ako. Pero, itinuloy ko pa rin. "Hindi 'yan. Wala namang tao, e."

"Ikaw ang bahala." 

Maya-maya, tatlong lalaki ang lumapit sa amin. Ang payat na lalaki ay nasa harapan ko. Ang isa naman ay nasa likod ko habang itinututok ang patalim sa tagiliran ko. "Akin na ang wallet mo kung ayaw mong maging gripo ang katawan mo," aniya.

Pareho kaming di nakapalag ni Jeoffrey. Lahat sila ay may patalim. Parang walang nangyari. Lumakad-takbo lang sila palayo sa amin. Ni hindi ako nakaimik agad. Isang mura pa ang nasambit ko.

"Yan na nga ang sinasabi ko, e. Ayan, gitara na, naging bato pa!" sabi ni Jeoffrey na may halong paninisi.

"Kasabwat mo yata ang mga yun e!" wala sa loob kong biro.

"Hoy, gago! Binalaan lang kita..."

Mabuti na lang may barya ako sa bulsa. Nakauwi pa ako. Isang malaking pagsisisi ang naganap pagkauwi ko. Awang-awa sa akin sina Mommy at Daddy. Gusto ko ngang umiyak. Napigil ko lang dahil strong ako, sabi nila. 



No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...