Followers

Friday, August 28, 2015

Bakit Di Kayo Makabuo?

Ilang taon na kayong nagsasama at nagniniig, pero hindi pa rin kayo makabuo. May problema sa inyo. May mga bagay na pinaniniwalaan niyong hindi nakakaapekto sa sperm count.
May dapat kayong malaman.
Ang underwear ay nakakaapekto sa kalusugan ng sperm. Pinapayo ng ibang doktor ang pagsusuot ng boxer kaysa sa brief o anumang masikip na undie. Mas maluwag, mas malaya ang sperm production.
Ang mga ugat sa bayag (varicoceles) ay nakakasagabal sa pagbuo ng similya. Kinse porsyento ng mga kalalakihan ay may varicoceles. Ito ang mga varicose veins sa kaliwang scrotum. Ipinapayo naman ng mga doktor na magpa-varicose repair ang sinumang lalaking may ganitong problema upang maging normal ang pagdaloy ng dugo o semen.
Ang paggamit ng cellphone ay maaari rin palang maging dahilan ng ganitong suliranin. Ang mahigit na apat na oras sa isang araw na paggamit nito ay nakakabawas sa kakayahang makabuo ng malusog na similya. Ang radiation ng cellphone ang numero unong pumipigil sa paggalaw ng similya tungo sa kanyang kapareha. Kaya nga mas malapit ang celphone sa reproductive organs sa mas mataas ang chance ng fertility. Ang taong naglalagay ng cellphone sa harapang bulsa ay pinaniniwalaang may mababang sperm counts.
Ang obesity ay salik din sa pagiging inutil ng isang tao na makabuo ng malusog na similya. Ang mga lalaking obese ay bumababa ang kakayahan ng testis na gumana. Pinahihina rin ng mataas na uri ng obesity ang kakayahang sekswal at reproduksiyon ng isang tao.
Mawawala ba ang mga bisyo sa listahan. Ang pag-aabuso sa marijuana, alak at sigarilyo ay mga dapat iwasan kapag nagnanais makabuo. Nakakapagpababa ng sperm count ang pag-inom ng alak at paghithit ng marijuana. Napipigilan naman ng yosi ang pakikipagtago ng cells sa kaparehang cells. Sa madaling sabi, ang mga ito ay nakakaapekto sa fertility ng isang tao.
Bukod sa mga ito, maaari ring dahilan ang genetic disorders, anti-sperm antibodies, hormonal imbalance, testicular cancer, undescended testicles o sexual problems, like erectile dysfunction. Maaari rin namang maging dahilan ang blockages, na sanhi ng infection, vasectomy o by birth.
Pagkatapos mong malaman ang mga ito, tiyak makakabuo na kayo. Goodluck!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...