Followers

Thursday, August 13, 2015

Mag-ina

Maririnig ng mag-ama ang away ng mag-ina na nasa kabilang kuwarto.
Anak: Papa, Papa.. araw-araw ko silang naririnig mag-away.
Ama: Huwag mo silang pakinggan.
Tumalima ang anak. Na-concentrate uli sa panunuod ng telebisyon. Ang ama naman ay lumabas upang kumuha ng tubig sa ibaba. Lalo namang lumakas ang sigawan at murahan ng mag-ina.
Pagbalik ng ama…
Anak: Naririnig ko pa rin sila…
Ama: Opo. Huwag mo na silang gayahin ha? Maghuhugas lang ako. Huwag kang lalabas kapag ganun ha? Para di ka mapahamak.
Anak: Opo!
Pagkatapos maghugas ng ama…
Anak: Papa… Papa, nagalit ang Lola. Sinira niya ang gamit.
Ama: (Hindi siya kumibo. Naisip niya, minsan, mas marahas pa ang mga taong nasa palibot kesa sa mga palabas sa telebisyon.)

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...