Followers

Sunday, August 16, 2015

BlurRed: CR

Hindi ko na kailangang itanong pa kay Riz kung mahal niya rin ako. Ang makita ko lang ang nakapa-sweet niyang ngiti kapag kinakantahan at ginigitarahan ko ay sapat na paliwanag na. Idagdag pa ang mga hampas at halakhak niya sa akin kapag nagpapatawa ako. Wala pa diyan ang mga kapit, hawak at haplos niya sa akin kapag naglalakad kami. 

Ibang-ibang Riz na ang kasama ko. Totally moved-on na nga siya. Nakakatuwang isipin na nalampasan niya ang critical stage. Nakatulong din ang pananahimik ni Fatima. Siguro ay natakot siya nang minsang umalma si Riz sa kanyang pambu-bully. 

Kaya lang, kahapon, rumesbak na naman siya...

"CR muna ako. Dito ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Samahan na kita." Ngumiti siya't tumawa. "Sa labas lang siyempre. Akin na ang gitara mo."

Hindi ko naman akalaing nasa ladies' room si Fatima, kaya paglabas niya, nagkita sila ni Riz. Kakapasok ko pa lang siguro nun.

Nagkasagutan daw sila tungkol sa salitang 'malandi'. Nagtaas sila ng boses. Sabi ni Riz, "Mas malandi ka kasi habol ka nang habol sa lalaking wala namang gusto sa'yo!"

Ayos na sana. Sapol na sapol si Fatima. Kaya lang, nagpanting yata ang ulo. Naagaw ang gitara kay Riz at ihahampas sana sa kanya. Nang hindi siya mahataw dahil naging mabilis si Riz, sa sahig niya inihampas. Basag!

Pare-pareho kaming natulala nang lumabas ako. Marami ang nakakita. Marami ang nakarinig. Sa galit ko, inireklamo ko siya sa Guidance Counselor. Gusto ko siyang maturuan ng leksiyon. Nagka-record tuloy siya. Bibigyan na raw siya ng disciplinary action sa susunod. Pinababayaran ko rin ang gitara ko. Sana magtanda na siya. Hihintayin ko na lang ang kabayaran ng sinira niyang gitara. Salamat na rin dahil mapapalitan na ang luma kong gitara. Kasabay ng pagsira niya ng instrumento ko ang pagsira niya sa kredibilidad niya sa school. Pero, hindi niya nasira ang papausbong naming relasyon ni Riz.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...