Followers

Tuesday, August 25, 2015

Ang Grado ay Numero Lamang

Magulang ka ba na handang makipag-away dahil lang sa grades ng anak?
Pathetic!
Okay lang naman sana. Karapatan mo iyon bilang isang magulang. Pero, dapat niya namang irespeto ang resulta o ang desisyon ng guro. Ang guro ang nakakaalam ng kapasidad ng anak mo. Siya ang guro. Siya ang magbibigay ng grado. Gusto mo pala niya ng mataas na marka, bakit mo ipapasok ang anak mo sa kanya. Dapat pala ikaw na ang guro para ikaw na ang magbigay ng grades sa anak mo.
Simple logic.
Ang grade ay numero lang. Hindi ito basehan ng katalinuhan. Nadadaya ang numero. Nababawasan. Nadadagdagan. Pero, ang utak... never mong mapepeke.
Ang kaalaman ay mananahan sa utak, mananalaytay sa buong katawan at rerehistro sa pananalita at kilos. Ang grade sa card, kapag nabasa o napunit o nawala o nasunog, anong katunayan mo na may mataas na marka ang anak mo?
Grade conscious ka masyado! Hindi ka naman naging matalino nang nakipag-argue at nakipag-away ka sa guro para lang sa grado. Gaano ka kasigurado na ang anak mo ay matalino?

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...