Followers

Thursday, August 13, 2015

BlurRed: Feelings

Hindi ako maaaring magkamali. Tanggap na ni Riz ang pag-ibig ko sa kanya. Hindi na niya kailangang sabihin sa akin na mahal niya rin ako. Sa simpleng kilos lang niya, ramdam ko na. 

Kahapon, sa canteen, pinunasan niya ang labi ko. May catsup daw. 

Awtsu! Ang sweet.

Kanina naman, sa pasilyo, hindi ko namalayang magkahawak-kamay na kami habang tinutunton namin ang next room namin. Siyempre, hindi ko siya binitawan. Ninamnam ko pa nga ang init ng kanyang palad. Sino ang magsasabing magkaibigan lang kami?

"I miss you!" Iyan pa ang text niya. Ha ha. Kailangan ko na talaga siyang ligawan. 

"I miss you, too. Mxta?" reply ko. Nilagyan ko pa ng <3.

"I'm fine. Sobrang saya q. Kw?"

"Same here. mkita lng kta maksamA... msya n aq."

"Jeje. Sna wla ng ftiMa.."

Meaningful ang tinuran niyang iyon kaya in-assure ko siya na hindi siya kailanman masasaktan ni Fatima dahil handa akong protektahan siya. Nagpasalamat siya.

"SalMat dn dhil araw2 mo aqng pinangingiti.."

"HgiT p jn ang nrrmdmaN ko pg ksama at nkkita kTa."

Sobrang saya. Labis-labis ang kilig ko sa mga reply niya. Hindi na nga siya nahihiya pang sabihin sa akin ang tunay niyang nararamdaman. 

Andami pa naming naging conversation. Ang lahat ng iyon ay puro nagpaparamdam ng aming mga feelings. Gusto ko na nga siyang puntahan sa kanilang bahay. Kung malapit lamang sila sa amin...

Ang sarap ma-inlove!!!



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...