Bayang sinilanga'y pinagsisilbihan,
Kabataan ay akin ring huhubugin,
Kalidad na edukasyon ay isusulong,
Ginintuang asal kanilang kakamtin.
Kabataan ay akin ring huhubugin,
Ako, bilang isang gurong Pilipino,
Ginintuang asal kanilang kakamtin.
Makatulong sa bayan, aking hangarin.
Ako, bilang isang gurong Pilipino,
May kapangyarihang ibangon ang bansa.
Makatulong sa bayan, aking hangarin.
Maglingkod nang tapat, tumulong mangarap.
May kapangyarihang ibangon ang bansa
Sa lusak ng kahirapan't kamangmangan,
Maglingkod nang tapat, tumulong mangarap.
Gabayan ang bawat kabataang Pinoy.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tatlong Letter Z
Estudyante: “Tulog po si Juan.” (Yuyugyugin sana ang balikat ng kaklaseng tulog.) Guro: Huwag mong gisingin. Hayaan mo lang. Mahirap m...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment