Lumaki at namulat tayo sa iisang baryo,
ngunit ni minsa'y 'di tayo doon nagkatagpo.
Mga kaibigan mo nama'y kakilala ko.
Mga kakilala ko nama'y kaibigan mo.
Dahil sa FB naging magkaibigan tayo,
Akala mo noon, ako ang kaibigan mo,
pangalan kasi namin ay magkapareho.
May mabuting dulot ang nangyaring ito---
Tayong dalawa ay nagkasundo,
sa mga bagay-bagay dito sa mundo.
Problema mo, sa akin ay naikukuwento mo
at tila ako'y nagiging mahusay na tagapayo.
Mga salita ng Diyos, sa'ki'y iyong tinuturo,
lalo na tuwing sa landas ko'y lumiliko.
Tunay ka ngang kaibigan, aking Bro!
Salamat dahil may kaibigan akong
gaya mo
at sana, pagtiyagaan mo ang kakulitan ko.
Alam mo bang inaabangan ko
ang palitan natin ng ideya at kuro-kuro?
Magkalayo man ang ating mga mundo,
alam kong walang hadlang sa pagitan nito.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment