Ipagpatawad mo
kung nalimutan ko
na ika'y batiin
sa anniversary natin.
Ipagpaumanhin mo
aking pagkatuliro
at pagkamakakalimutin,
ngunit 'di pa ako ulyanin.
Sorry, aking mahal
petsa ng ating kasal,
'di natin naipagdiwang,
kahit ni minsan.
Ako ba ang maysala
O ang nagpatala?
Imbes na Enero bente-uno
ay naging Agosto.
Alin dito sa dalawa
ang ipagdiriwang na petsa?
Patawad... 'di ko rin alam.
'Happy anniversary' na lang!
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Baon sa Puso
Baon sa Puso Mga guro’t estudyante, uwian na noon, Sa mga gawain sa umaga ay nagutom Pagkapananghali ay babalik sa hapon. ...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Paano nga ba isinusulat ang Lathalaing Pang-agham? Gusto mo ba ng sample ? Walang problema. Talakayin at unawain muna natin ang kahu...
No comments:
Post a Comment