Followers

Monday, August 15, 2016

Ang Pondo ng mga Pilipino

Ang laki pala ng ating pondo
na inilalaan ng ating gobyerno
sa mga ahensiya't departamento,
na dapat gamitin nang wasto,
upang makinabang, bawat Pilipino,
pero napupunta lang kung kanino--
sa walang kaluluwang pinuno,
sa lider at pulitikong walang puso.

Ngayong may bago nang pangulo,
nawa'y magkaroon na ng pagbabago
sa paggasta at paggamit ng pondo,
sana'y maging mapagmatyag tayo
sa mga katiwalian at gawaing-liko,
at sana, tuluyang maging progresibo
ang bansang Pilipinas at bawat tao,
na maipagmamalaki sa buong mundo.

No comments:

Post a Comment

Tatlong Letter Z

Estudyante: “Tulog po si Juan.” (Yuyugyugin sana ang balikat ng kaklaseng tulog.)   Guro: Huwag mong gisingin. Hayaan mo lang. Mahirap m...