Salamat, dahil ika'y aking nakilala,
buhay ko'y nagkakulay at sumigla,
mundo natin ay ating naipinta,
at mga salimuot ay nalimutan pa.
Salamat, puso mo'y binigay sa iba,
iniwan akong sugatan at mag-isa,
at pinili ang kalbaryo at pagdurusa
kaysa sa piling kong puno ng ligaya.
Salamat nga pala sa mga alaala,
sa dinurog na pag-asa
at sa pangarap para isa't isa,
at sa mga pinaagos kong luha.
Salamat, dahil sa'yo, ako'y buo pa,
dahil sa'yo isinilang ang mga salita...
at dahil sa'yo ay may mga tugma,
Salamat sa'yo! Salamat talaga!
Followers
Wednesday, August 24, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment