Mag-isa ka
sa pagkain,
o sa pagtulog.
Magliwaliw ka mag-isa.
Sa gitna
ng iyong pag-iisa,
sarili'y makikilala.
Ikaw ay lalago,
inspirasyon mo,
iyong malalaman
mapagdidili-dilian,
ang mga pangarap,
mga paniniwala't
mga pilosopiya,
hanggang iyong makita
ang personang
magpapaindak
at kukurot
sa iyong puso.
Pagdating nito
ikaw ay handa na,
sigurado na,
pagkat ikaw...
ikaw ay naging ikaw.
Followers
Friday, August 19, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment