Ayaw ko nang humugot
'pagkat puso ko'y kumikirot,
sa kalungkuta'y nababalot,
mga alaala'y hindi malimot,
at lalo lang sumasalimuot.
Ayaw ko nang humugot
dahil luha ko'y lumalapot,
diwa ko'y tila nilalapirot,
ang ulirat ko'y nababagot,
at animo'y may ikinatatakot.
Ayaw ko nang humugot
at 'di na rin sisimangot
upang ang ligaya, 'di malagot.
Ibabaon na lamang sa limot
ang mga bangungot.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tatlong Letter Z
Estudyante: “Tulog po si Juan.” (Yuyugyugin sana ang balikat ng kaklaseng tulog.) Guro: Huwag mong gisingin. Hayaan mo lang. Mahirap m...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment