Kapag gumawa ka nang tama,
sa iyo'y marami ang matutuwa.
Kapag nagpakita ka nang maganda,
sa iyo'y marami ang hahanga.
Kapag inspirasyon ay nagbigay ka,
sa iyo'y marami ang maluluha.
Kung masama naman iyong ginawa,
kaiinisan ka ng iyong kapwa.
Kung nagpamalas ka ng 'di kaaya-aya,
malamang lalayuan ka na nila.
Kung ang sinasabi mo ay paninira,
sa iyo'y maraming kokontra.
Huwag kang magpakadoble-kara,
bagkus, magpakatao ka
at mabuting anyo ang ipakita
upang mapunta sa'yo ang simpatya
at pagmamahal ng iyong pamilya,
ng mga kaibigan, at ng madla.
Followers
Saturday, August 13, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment