Followers

Friday, August 19, 2016

Minsan, May Katotohanan

Minsan,
sa aking karera,
ako'y pumaimbulog talaga.
Talento, oras, at lakas,
ay aking aking ipinamalas.
Mahal kong samahan
sa aki'y nakinabang,
mga kapwa'y
nasiyahan,
ngunit...
ang masaklap,
ni sa aking hinagap,
'di pinangarap,
ay may mga nilalang,
ako'y ibagsak nang sapilitan
Kaya, ako'y
gumiwang-giwang,
tumimbuwang,
at tuluyang lumagapak.
Nabali aking pakpak.
Sila'y humagalpak.
Abang lingkod niyo'y
puso'y dumugo,
isip ay sumuko,
nanghina,
at nawala.
Kinalauna'y nagwala,
ako'y kumawala
sa tanikala,
sa kinalugmuka'y
muling nabuhay.
Dugong nananalaytay
sa panulat at kamay
ay sumungaw,
at lumitaw
ang ideya,
ang sigla,
ang talento,
at ang puso.
Ngayon...
ako'y bumabangon
upang muling pumitik,
pagalawin ang mga titik,
maningil,
at maniil.
Ngayong buo na,
ngayong natuto na,
sunggaban ang buwaya,
at tuhugin ang mga linta.
Panulat ko'y aking sandata
at ang mahika
ay ang aking adhika.
Maisiwalat,
ipakalat,
kapwa ay imulat...
sa katotohanan.

No comments:

Post a Comment

May Kuwentong Nananahan sa Abandonadong Tahanan

Sa aking paglalakad-lakad, nadaanan ko ang abandonadong bahay na ito. Hindi ko maiwasang maalala ang dati naming tahanan, na malayo sa sentr...