Hindi ito perpekto. Gaano man tayo kaingat, magkakamali at magkakamali pa rin tayo. Gayunpaman, kayang-kaya natin itong burahin at baguhin.
Ngunit, habang tumatagal, napupudpod tayo. Tumatanda. Umiikli ang kakayahang sumulat ng magagandang alaala at gumuhit ng mabubuting bagay at gawain. Minsan pa nga'y nababakli tayo. Dumarating sa punto na tayo ay pinanghihinaan na ng loob. Ni ayaw na nating magpatuloy sa ating buhay.
Ang lapis ay katulad ng buhay. May pagsubok itong kinakaharap, subalit maaari pang magpatuloy, kung muli mong tatasahan at gagamitin.
Mabakli man ang lapis, hindi pa rin ito ang wakas. Gaya ito ng buhay. Mabigo ka man tayo sa ating pangarap, hindi pa rin ito ang katapusan. Bagkus, ito ang bagong simula ng muling pagsikhay.
No comments:
Post a Comment