Ang
orkidyas ay sadyang kaakit-akit,
na
katulad ng dalagang marikit.
Ngunit
kawangis ng taong manggagamit,
ito'y
kailangang kumapit, mangunyapit
upang
patuloy na masilayan ang langit.
Mga
ugat nito'y sa puno nakakabit,
kaya
kapag binunot, kamatayan ang sapit.
Subalit
ang taong mahilig manggamit
ay
kaiba sa orkidyas, na kay rikit.
Gagawin
ang lahat, kahit nakakasakit,
makuha
lamang ang mga nilalangit.
Tagumpay
niya'y dahil sa paraang pangit.
Halos
mawalan na ng sariling bait,
basta
ang pangarap, kanya lang makamit.
No comments:
Post a Comment