Followers

Saturday, August 27, 2016

Nais Ko

Nang nais kong umiyak,
ni walang pumatak.

Nang nais kong tumawa,
mga labi ko'y 'di bumuka.

Nang nais kong tumula,
walang lumabas na salita.

Nang nais kong umawit,
wala na pala akong himig.

Nang nais kong sumulat,
ideya ko ay 'di sumapat.

Sa akin, ano ang nangyayari?
Ito ay tunay na nakakarindi.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...