Ikaw ay isang puno,
na tumubo dito sa mundo
upang lumago,
gumapang, at humayo
hanggang saan mo gusto,
at upang mahipo
ang hiwaga ng buhay na ito.
Subalit, pakatandaan mo,
sa pagsubok, ika'y magugupo.
Masasaktan, oo!
Pero, 'wag kang susuko.
Ito'y totoo...
Ngunit may pag-asa
sa likod nito.
Panghihinaan ka,
subalit huwag kang maging bato.
Ika'y mamulaklak at mamumunga,
magkaroon ng binhing bago
na muling tutubo,
magiging puno,
at susunod sa mga ugat mo.
Followers
Wednesday, August 24, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment