Followers

Sunday, August 7, 2016

Katatagan

Ang mga suliranin sa buhay
ay pundasyong nagpapatibay
sa pusong nais nang bumigay.

Hindi naman tayo sinasakal
ng mga balakid na pisikal,
bagkus binibigyan ng aral.

Ang pagsisikap at pagtitiis
upang ang hadlang ay maalis
ay kakayahang kanais-nais.

Ang pagpapakatatag sa unos
at paglaban sa mga pagsubok
ay siyang hangad ng Diyos.

Hindi Niya tayo susubukin,
kung hindi natin kakayaning
lusutan, lampasan, at lutasin.

No comments:

Post a Comment

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...