Huwag mong pansinin
ang mga mapanirang tao
sa iyong likuran.
Sila ay sadyang
panglikuran lamang.
Hindi maaaring iharap,
hindi kayang humarap,
at walang mukhang ihaharap,
pagkat sila'y
mas maraming kapintasan,
talunan,
at duwag.
Hayaan mo siyang
punahin ang iyong dungis.
Tingnan mo na lamang,
sarili niyang libag
ay hindi niya kayang
mais-is.
Ang sa iyo pa kaya.
Isa lang siyang libag,
na sa iyong likod
ay nakatanghod.
Followers
Friday, August 12, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment