Followers

Sunday, August 14, 2016

Dalawang Linggo ng Kamunduhan

Kailan lamang naging magka-chat sina Dina at Lander. Ito ay isang araw na suspended ang klase dahil sa masamang lagay ng panahon. Nagkaroon ng oras ang maestro na i-entertain ang kakulitan ng nanay ng dati niyang estudyante.
Alas-tres ng hapon ay muling nag-PM si Dina kay Sir Lander. "Hello, Sir!" bungad niya.
Ayaw na maistorbo ni Lander sa kanyang pamamahinga. Sabado iyon, kaya nais naman niyang ilaan ang oras para sa kanyang sarili at sa iba pang priorities.
"Sir, sorry... Medyo na-late ako ng pag-online ulit kasi kakatapos ko lang po mag-charge ngayon, e."
Sineen-zone lang ng guro ang mensahe ng magulang.
"Ano na ang ginagawa mo d'yan, Sir?" tanong uli ni Dina.
Mahigit sampung minuto ang lumipas nang maisipang sagutin ni Lander ang tanong ni Dina. Gusto niya kasing magkaroon ito ng hiya, tantanan siya at magkaroon ng common sense. "Nagpapahinga," maikli niyang reply. Hindi naman talaga siya nagpapahinga. Siya ang taong ayaw halos magpahinga. Marami kasi siyang pinagkakaabalahan. Maliban sa pagiging pampumlikong guro sa elementarya, siya ay manunulat rin sa isang pampublikong pahayagan. Kaya, mahalaga ang bawat minuto para sa kanya.
Imbes na mahiya, lalo pa yatang nang-asar si Dina. "Ganun ba, Sir? Patabi nga ko d'yan, Sir..."
Ayaw ipahalata ng guro ang kanyang pagkainis. Naisip niyang mauuwi na naman iyon sa maharot na usapan. Kaya, nag-send na lamang siya ng sticker na parang kamao ni Duterte.
"Puwede po ba?" ani Dina. Pagkatapos ay nag-send uli siya na mas bastos. Sabi niya, "Puwede rin ba akong pumatong sa ibabaw mo?" Tumawa pa.
Hindi alam ni Lander, kung maaasar siya o madadala sa nakakalibog nitong mensahe. Ang tangi na lamang niyang nai-reply ay isang winking smiley.
"Kainis ka naman ka-chat! Ang tipid-tipid mong mag-reply!"
Nag-wink lang uli ang guro.
"Bakit ba pala natutuwa ka 'pag naiinis ako sa'yo?" Natuwa si Lander nang mabasa ang mensaheng ito ni Dina.
"Para mawala ang gusto mo sa akin," turan ni Lander. Nilagyan niya pa ng smiley na nakadila.
Lihim na natuwa ang maestro nang hindi agad nakapag-response ang babae. Nagpatuloy siya sa pagta-type ng kanyang artikulo.
"Baka naman, Sir, 'pag dumating na ang araw na umayaw na ako sa'yo, e, bigla mo akong ma-miss at ikaw naman ang magka-crush sa akin. Hahaha..." biro ni Dina. "Sige ka, Sir, mamaya biglang mahulog ang loob mo sa'kin at hindi mo na ko pakawalan d'yan... hahaha."
Natawa at natuwa si Lander. "Ngayon na. Ayawan mo na ako."
"Ayaw ko nga! Gusto pa rin kita ngayon." Tumawa pa ang haliparot. Pagkatapos ay magkasunod na sinend ni Dina ang mga ito kay Lander. "Malambing pa naman ako..." at "Masarap pa! hahaha."
Nag-wink lang uli ang guro. Ayaw niyang makaramdam siya ng libog sa mga oras na iyon.
"Na- masturbate ka ba kagabi or kanina, Sir?"
Iba na ang nararamdaman ni Lander sa loob ng kanyang undergarment. May nais nang kumawala sa galit. "Hindi," mariing sagot niya, kahit ang totoo ay nagawa na niya iyon kagabi. Sino ba namang lalaki ang hindi tatablan sa pang-aakit niya? Hindi niya nga ma-imagine na ang magulang ng kanyang dating estudyante at siya ay nagkaroon ng ganoong kainit na usapan.
"Good! Huwag ka muna magma-masturbate, Sir, ha? Antayin mo ko. Haha!"
"Magma-masturbate na ako para wala nang matira sa'yo." No choice na si Lander, kundi ang lumaban sa mga kahalayan ni Dina.
"Kakainin ko pati ang tamod mo, Sir. Gusto mo ba 'yon?"
"Bahala ka."
"Kaasar ka d'yan, Sir, talaga! Sige bahala ka nga, kung ayaw mong iputok ang tamod mo sa akin. Sige na nga mag-masturbate ka na d'yan!"
Ngumiti lang ang guro. Hindi siya nagkomento.
"Ikaw rin... hindi mo ako matitikman kung paano ako kumain ng yema mo at kung gaano ako kasarap at kagaling gumiling sa ibabaw mo..." mapang-akit na pahayag ni Dina.
"Okay lang..." pakli naman ni Lander.
"So, hindi na pala tayo tuloy magkita mamaya?"
"Yehey!" sagot ni Lander.
"DI WAG NA KUNG AYAW MU!" ang reply naman ng naiinis na si Dina. Capital letters talaga. Intense.
Napangiti na lang si sir Lander. Natutuwa siyang naiinis sa kanya ang babae. Kaya lang, hindi pa rin ito tumigil. "Ayaw mo ba talaga sa kin, Sir? Ang totoo naman sana. Ang seryoso... Sige, promise titigilan na kita 'pag sinabi mong 'Oo, ayaw ko sa'yo.'"
Nagseryoso na si Lander. "Mali kasi, e..."
"Ano bang mali doon?"
"Mali? Di ba, may pamilya ako? Iyon ang mali. Masisira ang mataas na reputasyon ko sa sarili ko."
"Hindi ko naman sisirain pamilya mo, a. May iniingatan din naman akong reputasyon at pamilya. Sikreto lang naman natin 'yon, Sir, e. Gusto kita," hirit pa ni Dina. "Alam ko naman, Sir, kung saan ako lalagay. Mahal ko rin naman ang bf ko."
"Mali pa rin. Kahit gusto ng laman ko, parang ayaw ng konsensiya ko. Sigurado, magugustuhan mo pa ako lalo, kapag natikman mo ako. Kaya, ayaw ko sanang ipatikim sa'yo. Ibalik na lang natin ang dati..."
"Sir, naman... Sige na. Sige, isa lang."
"Isa lang? Tapos sa susunod, kukulitin mo ako..."
"Tikman lang natin ang isa't isa, pagkatapos niyon, ikaw na ang bahala, kung ayaw mo na talaga sa akin."
"Grabe naman. Sana huwag na." Gustong-gusto rin ng guro na ipatikim niya kay Dina ang gusto niya, kaya lang mas iniisip niya ang masamang idudulot nito.
"Hindi na kita kukulitin nu'n. Ibabalik na natin ang dati. Okay ba sa'yo 'yon, Sir?"
Naisip ni Lander na pagbigyan na lang si Dina. Isa lang naman pala ang gusto niya. "Promise mo 'yan, ha?"
"Lalo mo naman akong pinapasabik sa'yo, Sir, e. Kaasar!" sabi pa niya bago niya na-send ito: "Sige. una't huli lang ito."
Nilabasan na yata siya kasi nag-send pa siya nito: "Uhhh... Shit, Sir. Sige. OK."
'K' lang ang nai-reply ni Lander. Ayaw niyang isipin ni Dina, na gustong-gusto niyang makipagniig sa kanya.
"Pero, gusto ko munang marinig ang sagot mo sa tanong ko kanina," pahabol ng babae.
Nabuwisit tuloy si Lander. "Kapag nakulitan ako, ayaw ko na. May ginagawa kasi ako."
"Ano ba ang ginagawa mo?" walang common sense na tanong ni Dina. "Sasagutin mo lang naman ang tanong ko sa'yo, e. Sorry, Sir, sa istorbo. Pero, gusto ko lang malaman ang sagot mo sa tanong ko. Tapos, titigilan na talaga kita, kung 'yan talaga ang gusto mo."
Period o point lang ang pinindot ni Lander, bilang reply kay Dina. Ayaw niya kasing masaktan siya. Ayaw niya kay Dina. Iyon ang totoo. Pagkatapos, nag-send siya ng sketch pad upang malaman ni Dina kung ano talaga ang pinagkakaabalahan niya.
"Ahh... nagdo-drawing ka pala d'yan ngayon. Puwede ba mag-video call tayo ngayon? Gusto ko lang marinig sagot mo sa tanong ko."
Hindi sumagot si Lander. Pinagpatuloy niya ang pagguguhit. Hindi niya rin sinagot ang notif ng video call request ni Dina.
"Ayaw mo ba talaga sa'kin, Sir???"
Hindi pa rin nag-reply si Lander.
"Sir... sige na po video call naman po muna tayo."
Lumipas ang ilang minuto. Wala pa ring sinend na reply ang maestro kay Dina.
"Salamat po sa pag-reply niyo, Sir, a. Sige na nga po ba-bye na po. Hindi na po kita pipilitin kung talagang ayaw mo po sa akin. Sorry po ulit, Sir. Bye po!"
Natuwa si Lander. Hiniling niya na sana ay tuluyan na siyang tantanan ni Dina.
Mag-aalas-siyete na nang muling nag-chat si Dina kay Lander. "Hello, Sir! Ayaw niyo ba talaga na magkita tayo ngayon?" tanong nito.
"Ikaw..." ang sagot ni Lander.
"Ako po? Gusto ko sana. E, ikaw po ba?"
"Sige."
"D'yan ba talaga tayo sa boarding house mo?
"Oo. Gusto kong matulog na pagkatapos. Di ako komportable sa ibang lugar."
"Kailan uuwi ang kasama mo d'yan?"
"Kanina pa umalis."
"E, ako po pagkatapos natin, puwede ba d'yan din matulog sa tabi mo?"
"Uuwi ka na siyempre. Kawawa ang mga anak mo. Mahirap nang umuwi ng umaga. Mas marami na ang makakakita sa'yo."
"Ganu'n? Anong oras naman ako uuwi?"
"Depende sa'yo. Kapag nakapunta ka kaagad dito, e, 'di makakauwi ka kaagad."
"Haha... talagang magpaparaos lang pala talaga tayo, Sir?"
"Oo. Bakit? Ano pa ba dapat?"
"Wala naman. Sige po, Sir. Sa ibang araw na lang po. Parang wala ka namang gana ngayon. Parang napipilitan ka na lang sa akin."
Kahit paano ay na-disappoint si Lander. Kung kailan niya gustong makaraos, saka naman nagbago ang isip ni Dina. Subalit, hindi na niya ito pinilit. Ayaw niyang malaman nito na gusto na rin niyang matikman ang mga sinasabi niyang masarap.
"Saka na lang po 'pag super ganado ka na. Baka masayang lang ang effort ko sa pagpunta d'yan. Kuntento na ako na magka-chat na lang muna tayo," mensahe pa ni Dina.
Hindi na nag-reply si Lander. Pagkatapos noon ay nag-concentrate na siya sa kanyang ginagawa. Kailangan na niyang maipadala sa email ang mga illustration ng kuwentong pambata sa publishing house na kanyang sinalihan.
Mag-alas-9 ng gabi nang muling sumubok na makipag-chat si Dina kay Lander, ngunit binigo siya nito.
"Hello, Sir!"
"Ano na po gawa mo d'yan ngayon, Sir?"
Nababasa niya ang mga mensahe at nakikita niya ang mga notif mula kay Dina.
You missed a call from Dina. 7/30, 8:41pm
You missed a call from Dina. 7/30, 8:46pm
"Sir, puwede po ba tayong mag-usap muna?"
"Sir, galit ka ba sa akin? Bakit hindi ka nagre-reply?"
Kaya naman, kinabukasan, alas-4:34 pa lang ng umaga ay nag-chat na si Dina. Nag-good morning siya at nangumusta.
"Sir, mag-reply ka naman d'yan, o... Naiinis ka na ba sa'kin? Puwede po bang maging mag-friend po tayo? Puwede po kalimutan na lang po natin ang mga nangyari o mga napag-usapan natin noong mga nakaraang mga araw? Please, Sir, mag-reply ka naman po sana."
Maaga ang pasok ni Lander, kaya hindi niya ni-reply-an si Dina.
"Sir..."
Nasa school na ang guro nang maisipan niyang mag-send ng sticker at smiley kay Dina.
Alas-siyete y medya naman nakapag-response si Dina. "Sorry po, Sir, kung hindi na ako tumuloy kagabi sa pagpunta d'yan sa boarding house mo, kasi ayaw ko po nang ganoon. Parang ang baba naman masyado ng tingin ko sa sarili ko, 'pag pumayag po ako sa ganoong deal po natin. Ang pangit tingnan lalo na sa side ko, bilang babae, na ako pa ang pupunta sa lalaki para lang makipag-sex. At pagkatapos ng gagawin natin, e, uuwi na rin ako agad. Parang kawalan din yata ng dignidad ko, bilang isang babae ang ganoon. Sorry, Sir, pero hindi po talaga pala kayang gawin 'yon. Parang bigla yata akong nauntog."
"Tama!" sang-ayon ni Lander.
"Sorry rin po sa mga nangyari, Sir, ha? Ngayon po, sapat na po sa akin na magkaibigan na po tayo. Nangyari na po ngayon ang hinahangad niyo po, Sir, na ayawan ko na po kayo. Hehe... Opo, Sir, nauntog na po kasi ako sa gusto kong mangyari sa ating dalawa. Ayaw ko na po sa inyo. Pero, gusto ko pa po kayong maging kaibigan. Iyong tulad pa rin po sana noong dati, na wala pa tayong malisya. Puwede po ba 'yon, Sir?"
"Sure. Nagtagumpay ang tama," turan ni Lander. Iyon naman talaga ang gusto ng puso niya. Marahil ay nadala lamang siya ng kanyang katawan.
"Puwede pa rin po ba nating ibalik ang dati?"
"Puwede, pero huwag muna agad-agad..." Medyo, nailang na si Lander sa nangyari. Parang isang ipu-ipo ang naganap. Ang bilis dumating. Ang bilis ding naglaho.
"Anong ibig niyo pong sabihin, Sir?"
Hindi talaga nag-reply si Lander, kahit nabasa niya. May klase siya sa mga oras na iyon.
"Ibig niyo po bang sabihin na hindi pa tayo sa ngayon puwedeng maging magkaibigan, tulad po ng dati?" tanong uli ni Dina.
"Huwag ka munang masyadong chat nang chat. Busy pa kasi ako." Recess na nang makapag-reply si Lander sa makulit na si Dina.
"Ah... ganun po ba? Okay po, Sir. Sige po. Pero po sana invite niyo pa rin po kami sa X'mas party at sana pasamahin niyo pa rin po kami sa fieldtrip niyo, if ever lang po."
Nag-send lang ng thumb up sign si Lander.
"Thanks po, Sir. Sige po. Bye po, Sir! 'Sensiya na po sa istorbo. God bless!"
Sa kabila ng pag-iwas ni Lander, sumige pa rin si Dina sa pag-chachat. "Hello, Sir! Kumusta po? Busy ka pa rin po?"
"Opo."
"A, okay po, Sir!"
Gabi. Nangumusta uli si Dina. Hindi nga lang siya ni-reply-an ni Lander. Isang araw silang hindi nagkaroon ng conversation.
Pero nang nakulitan si Lander, sinabi niyang natutulog siya.
"A, natutulog po pala kayo ngayon... Sige po. Huwag na lang po muna.Thanks po!"
Pagkatapos niyon, muling lumipas ang isang araw na walang matinong reply si Lander sa mga nangungumustang message ni Dina. Minsan, nag-send lang siya ng sticker. Once din siyang nag-reply ng 'I'm ok'.
Pero sa sobrang eagerness ni Dina, pati ang anak ni Lander ay kinukumusta niya. Nakita niya kasi sa Facebook na nasa hospital ito. Gayunpaman, naging matipid sa pagsagot ang guro. Hindi naman iyon nauunawaan ni Dina. "Hindi ba puwede muna tayong mag-chat ngayon, Sir?"
"Inaantok na ako."
"Video call po muna tayo para hindi ka antukin."
Hindi siya pinansin ni Lander. Kaya, kinabukasan ng hapon ay dumiskarte na naman siya. "Good pm po, Sir! Sir, may alam po ba kayo kung sino po ang puwedeng mahiraman ng Barong Tagalog?Para po sana kay Lance."
"Wala, e," mabilis na reply ni Lander.
"Ah... ok po. Thank you po, Sir!"
Akala ni Lander ay titigil na si Dina. May sasabihin pa rin pala. "Sir, ano po ba pala ang costume po ng katipunero? Iyon po ba, Sir, 'yong hiniram ko po sa inyo noon na t-shirt ng anak niyo?
Dahil mabait si Lander, nag-download pa siya ng pictures ng mga katipunero upang ma-send kay Dina, kahit alam niyang diskarte niya lang iyon para makipag-chat siya sa kanya.
"Thank you po ulit, Sir!"
Nag-send lang si Lander ng smiley para hindi na humaba ang usapan. Kaya lang ay nagtanong na naman si Dina. "Sir, puwede po ba akong makahiram ng costume ng anak mo na hiniram ko last year ng Buwan ng Wika? Kung okay lang po sana."
"Wala na iyon. May mantsa na."
"A, okay po. Salamat po ulit."
Natatawa na lang si Lander sa mga diskarte ni Dina. Nang alas-nuwebe ng gabi naman ay nagtanong na naman siya kung ano ang English ng puson. Parang na-gets agad niya ang pinupunto ni Dina.
"Ahh... ok po. E, paano po ba sabihin sa English ng "sumasakit ang puson ko lalo"?" tanong uli ni Dina. Madalas siyang magpa-translate ng mga salita o pangungusap para maunawaan niya at magamit niya sa conversation niya sa kanyang British boyfriend.
Dahil matulungin si Lander at dahil kailangan niyang maibaling niya ang atensiyon ni Dina sa ibang lalaki, sinasagot niya ang lahat ng mga katanungan niya.
"Wow... Thank you po, Sir. Galing-galing mo po talaga, Sir!"
Naulit pa ang pagpapa-translate niya ng mga sentence. Panay rin ang pangungumusta niya, pero hindi siya sinasagot ni Lander.
"Ah... ganun po ba 'yon, Sir? Thank you po ulit. Ang bait-bait mo po talaga, Sir. Kahit naiinis ka na sa akin at sa kakulitan ko po sa'yo, e, lagi ka pa rin pong nad'yan, kapag may kailangan po akong ipa-translate sa Tagalog or English. Sinasagot mo pa rin po ang mga tanong ko."
Period lang ang reply ni Lander, pero nag-send pa rin ng message si Dina. "Pag ako po, Sir, yumaman, hinding-hindi po talaga kita makakalimutan.... hehe... Please wish me luck po, Sir."
"Good luck!"
"Thank you po, Sir!"
May isang araw na hindi talaga nagparamdam kay Lander si Dina. Nagtaka ang guro kahit paano. Kaya lang nang nag-message naman ay kung sino-sino at ano-ano naman ang tinatanong. Itatanong kung nasaan na si Mam Ano, ganyan, ganito, o paki-translate, etc. Minsan, mag-chachat lang para magtanong kung bakit gising pa siya. Mada
Umaga. Heto ang message niya: "Musta po ang umaga nyo, Sir?" Walang reply mula kay Lander.
"Hello po, Sir!Musta po? Sir, puwede po ba paki-Tagalog po nito.... Dina, sometimes you take my breath away. I will try to be worthy of your love."
Minsan, naisip ni Lander na parang gusto niya lang kiligin o kaya isipin na kunwari ako ang nagsabi niyon sa kanya. Naisip pa niyang baka i-screen shot pa niya iyon at i-post. Maging sanhi pa ng kanyang kasiraan. Gayunpaman, ginawa niya pa rin.
"Hehe... kakilig naman po niyon, Sir. Thank you po ulit."
Minsan naman ay gusto niyang bumili ng libro ni Lander. Hindi pa nga natatapos ma-print ang libro niya. Atat na atat siyang makita ang guro.
Isang gabi, nag-message siya kay Lander. "Sir, sino kasama mo d'tan ngayon sa boarding house mo?"
"Wala." Sinabi niya ang totoo, hindi para magkita sila, kundi para mapagsabihan niya si Dina. ALam niya kasi ang balak nito sa kanya.
"Puwedeng pumunta d'yan? hehe.."
"Hindi. Di ba bawal kang lumapit sa akin?"
"Isang beses lang naman, Sir, e. Hindi pa rin talaga kita makalimutan, Sir, e. Sige na..."
Natawa lang si Lander. "Kalimutan mo na ako."
"Sige na, Sir... Hindi ka ba nalulungkot d'yan? Hindi ka ba nilalamig? Hehe"
"Hindi."
"Ako, nilalamig, e. haha..."
"Mag-jacket ka. (:"
"Hahaha... Nakakatawa!"
Nag-send lang ng smiley si Lander.
"Gusto ko, ikaw ang gawin kong jacket, e. hehe. Sige na, Sir..."
"Ayaw ko nang may kayakap. Di ako makatulog. Unan at kumot lang ang gusto kong kadikit ko."
"Isang beses lang naman, Sir, e."
Hindi nag-reply si Lander.
"Ang boring mo naman, Sir..."
"Pag pinagbigyan kita ng isang beses, ikakapahamak nating pareho. Magsisisi tayo. Kaya, huwag na lang."
"Mag check-in tayo..."
"Naku! Gastos lang 'yan. Wala akong pera."
"E, 'di share tayo, Sir..."
"Wala akong budget para sa ganyan. May mga priorities tayo. Iyon na lang ang unahin natin."
"Gusto talaga kita matikman, Sir, e. Sorry talaga, Sir, ha? Pero, hindi talaga kita makalimutan, e."
"Wag na ako."
"Crush talaga kita, Sir. Gusto na nga kitang kalimutan, e, kaya lang hindi ko talagang magawa-gawa. Lalo lang tuloy akong na-chachallenge sa'yo."
"Hindi naman ako pang-kama. Guro ako. Nagtuturo ng aral at kagandahang asal. Mawawala ang respeto ko sa sarili ko kapag nagpatikim ako sa'yo. Gusto ko ring pagbigyan ang katawan ko, lalo na't malayo ako sa asawa ko, kaya lang... maling-mali talaga. Hindi nga dapat kita nire-reply-an. Pero, ginagawa ko bilang kaibigan..."
"Grabe ka talaga, Sir! Napaka-hard-to-get mo talaga d'yan. Hehe"
"I'm sorry."
"Isang beses lang, Sir... Sige na. Please..."
"Kasalanan 'yon."
"Isa lang. Tapos, promise, tama na."
"Pag pinapunta kita ngayon dito, pupunta ka?"
"Oo... Puwede ba?"
"Kaso, hindi e. Matutulog na ako kasi may klase pa bukas."
"Sige na, Sir, payag ka na..."
"Mapupuyat ako. Bawal sa akin. Next time. Pag-iisipan ko."
"Sige na, Sir. Walang pasok namang bukas, e.Malakas ang hangin at panay ang ulan. Hehe"
"Meron. Good night!"
"Kainis ka naman, Sir, eh. Tulugan daw ba ko?"
Nang hindi na nag-reply si Lander, nagpaalam na si Dina. "Good night na nga lang din, Sir. Sana pumayag ka na. Sana pagbigyan mo naman ako. Isa lang naman, e."
"Pagbibigyan din kita. Pag-iisipan ko pa kung kailan. ((:"
"Sakit ng puson ko, Sir. Ikaw ang hinahanap. Haha! L na L na talaga ko sa'yo, Sir. Napaka-hard-to-get mo kasi, e.S arap mo siguro. haha....jowk!"
"Masarap talaga ako, kaya nga ayaw kong matikman mo ako."
"Talaga sir? Promise pagbibigyan mo rin ako?"
"May sinabi ako? Hehe"
"OMG! Kaasar ka!Lalo mo akong pinapasabik sa'yo."
DInilaan niya si Dina.
"Pero, 'di ba, sabi mo pagbibigyan mo rin ako? Grabe! Napapalunok ako ng laway sa'yo at napapabuntong-hininga!"
"Pagbibigyan ng chat..."
"Kaasar naman 'to... Sa chat lang talaga?"
"Good night na po talaga. Bye!"
"Okay. Sige na nga. Good night din, Sir... Sakit ng puson ko sa'yo talaga lagi, Sir."
Kinabukasan...
"Good morning, Sir! Sir, may pasok ba ngayon sa school?"
"Walang pasok. Suspended na."
"Talaga, Sir? Yehey! Salamat, Sir. Kayo po ba, Sir, mga teachers, may pasok?"
"Wala."
"So, may free time ka po pala ngayon, Sir? Puwede ba akong pumunta d'yan ngayon, Sir?"
Hindi nag-reply si Lander. Kinagabihan, hindi rin siya nag-reply.
"Hala, ang daya mo, Sir. Tinulugan mo ako agad."
Bumanat naman agad si Dina, paggising niya. "Good morning, Sir!" Sunod-sunod ang pag-send niya ng message.
"Sir, musta po? Nakapag-isip na po ba kayo?"
"Sir..."
Isang oras muna ang lumipas, bago siya nag-reply. "Di pa, e."
"E, 'di ba, Sir, wala namang pasok ngayon. Ngayon na lang ako pupunta d'yan..."
"Wala ako sa boarding house."
"Saan ka ngayon, Sir?"
"Sa school."
Natagalan ang pag-reply ni Dina. Naisip ni Lander na wala na siyang masasabi pa. Kaya lang, nang nag-chat na naman ay tila isang pasabog para sa kanya. Naka-tag pa sa kanya. "Sir, 1 yr. na pala tayong mag-friend ngayon sa FB... Happy 1st Year Friendversary!"
Natawa na lang si Lander. "May ganun pala. Naisip ko nga i-unfriend na lang kita."
"Punta na lang ako diyan sa school ngayon, Sir. haha..."
"Goodluck kung makapasok ka. Hehe"
"Hala! Ganun???!!!"
"Wala nga kasing pasok."
"Hala! Huwag ka namang ganyan, Sir... Di ba 1st year friendversary nga natin ngayon. Tapos, ia-unfriend mo naman ako d'yan! Over ka naman d'yan, Sir! Huwag mo naman akong i-unfriend, Sir... Mabait naman ako, 'di ba at malambing pa."
Hindi nag-reply si Lander. Nagpapagupit kasi siya.
"Sir... busy ka?"
"Hello, Sir!"
"Nasa school ka pa ba ngayon, Sir?"
"Hello po, Sir!"
"Musta, Sir?Busy ka po ba?"
"Gandang gabi, Sir!"
"Nasa boarding house ka na po ba ngayon?"
"Nakapag-isip-isip ka na po ba?"
"Sir..."
"Sir, mag-reply ka naman d'yan, o... Pls..."
Hindi talaga sinagot ni Lander ang mga messages ni Dina. Dalawang araw muna ang lumipas bago sila nagka-chat. Kundi lang nagpa-translate si Dina sa guro ay hindi niya pa rin ito re-reply-an.
"Sir, ano po ang ibig sabihin ng dizzy spell?"
Naisip ni Lander, may katangahan ba si Dina o sadyang nagpapansin lang. Puwede naman niyang i-google ang mga tanong niya. Naka-online din naman siya.
"Ano po sa English, Sir, ang 'wag mo siyang pababayaan d'yan?"
Sinagot naman lahat ni Lander ang mga tanong ni Dina. Nagpaka-google nga siya para lang hindi naman isipin ni Dina na siya ay guro, ngunit walang alam. Kaya lang, pagkatapos niyon, nangulit na naman.
"Kumusta, Sir? Nakapag-isip na po ba kayo?"
May ideyang sumungaw sa ulo ni Lander. "Oo."
"Payag na po kayo na makipagkita sa'kin?"
"Hindi."
"Sabi mo, Sir, pagbibigyan mo rin ako. Di ba?"
"Pag pinagbigyan kita, para ko na ring sinira ang sarili ko. Mauulit at mauulit ang mga nangyari sa akin dati. Ayaw ko na." Buo na ang loob ni Lander. Kung dati ay nais niyang matikman ang inaalok na yema ni Dina, ngayon ay hindi na. Napagbalanse kasi niya ang mga posibilidad ng bagay na iyon.
"Isa lang naman, e, tapos wala na. Iba naman 'yong dati, Sir, sa ngayon, sa akin."
"Ang minsan ay katumbas ng marami, lalo na sa usaping ganito. Malay ko ba kung kagaya ka rin ng naging kabit ko dati na siniraan ako, pagkatapos ko siyang mahalin at paligayahin. Nakaka-trauma. Ayaw ko na..."
"E, Sir, hindi mo naman ako magiging kabit, noh, kasi, as in, isa lang talaga. And promise po, Sir, wala sa bokabularyo ko ang manira ng tao, lalong lalo na ng pamilya. At lalo na, dati ka pang teacher ng anak ko. Hinding-hindi ko 'yon gagawin sa'yo, Sir. Pangako ko po iyon sa'yo. Pagbigyan mo na kasi ako, Sir. Matagal ko nang gustong magkasama tayo."
"Bakit ba kasi nahuhumaling ka sa akin? Hindi naman ako ang lalaking pangkama. Hindi ako magaling sa ganyan. Magsisisi ka lang. Di ka maliligayahan sa akin."
Matagal na kitang ini-imagine na makasama at maikama, Sir. So, please... pagbigyan mo na naman ako, o."
Nag-send lang ng negative smiley si Lander upang ipaalam ang pagtutol niya sa maling ideya ng ka-chat.
"Hindi ko rin alam sa sarili ko, kung bakit ba sa dinami-daming lalaki sa mundo, na mas gwapo pa sa'yo, e, bakit ikaw pa ang napaghuhumalingan ko. Siguro kasi, Sir, masyado akong na-chachallenge sa'yo."
"Naku! Wag na ako. Pakiusap. Good night. Bukas, 'di na tayo FB friends."
"Hala! Sir, 'wag naman po."
Nagdesisyon na si Lander na tapusin na ang pakikipag-usap kay Dina. Masyado na siyang naaabala. Maraming gawain na ang hindi agad niya natatapos.
Nag-PM pa rin si Dina. "Sir, bakit ba ayaw mo kasi sa akin?"
"Please, Sir, 'wag mo naman akong i-unfriend, o..."
Hindi pa naman niya i-unfriend si Dina. Tinakot niya lamang ito.
"Sir, ang suplado mo talaga."
Kinabukasan, si Dina uli ang nag-send ng morning greetings. "Good morning po, Sir! Sir, sana po 'wag mo naman po akong i-unfriend. Please..."
Magtatanghali, nagpadala uli ng mensahe si Dina. "Hello po, Sir! Kamusta po?"
Walang reply na natanggap si Dina mula sa guro. Wala naman kasing bago sa kanya. Paulit-ulit lamang ang kanilang pag-uusapan.
"Sir, suspended po ba ang klase ngayon?"
"Oo." Noon lamang nag-reply si Lander. Para sa kanya kasi, mahalagang malaman ni Dina na suspende na ang klase dahil magulang naman ito, na ang anak ay nasa ibang paaralan.
"A, sige po. Salamat po. Sir, sino po pala 'yong mag-reretire sa school niyo?"
"Ako." Nasa mood si Lander para magbiro dahil wala namang klase na.
"Weh, hindi nga po? Bata-bata nyo pa kaya d'yan."
Hindi muna nag-reply si Lander. Nagpapalinis kasi siya sa kanyang classroom.
"Sir, may program po pala kayo kanina. mAng ganda po ng suot niyong mga teachers. Nasa school ka pa po ba ngayon?"
Nakauwi na si Lander nang mag-chat na naman si Dina. Alas-4:30 na iyon ng hapon. "Hello, Sir! Kumusta na po? Pabili ako P.E. uniform. Puwede po ba? Wala kasi kaming souvenir d'yan sa school niyo."
"Gusto mo lang akong makita, e."
"Hindi kaya, noh. Gusto ko talaga bumili kasi para may souvenir kami. Puwede ba? Sir..."
"Okay."
"Magkano, Sir, ang size na kasya sa anak ko?
"P300. Partner na."
"Sa'yo ba bibili, Sir?"
"Sa principal ka bibili, para 'di mo ako makita." Tumawa pa si Lander.
"Hala! Ganun? Akala ko sa'yo, Sir, pupunta?"
"Sa akin nga. Iniinis lang kita."
"Ayaw ko, sa principal bumili. Gusto ko sa'yo."
"Sa guard ko na lang iwan. Sa kanya ka na lang bumili."
"Grabe naman 'to! Ayaw ko lalo sa guard, noh! Gusto ko mismo sa'yo ako bibili."
"Bakit? Bibili ka lang naman, e. Busy kasi ako."
"Kainis ka, Sir! Kaya nga rin ako bibili kasi gusto kitang masilayan. Haha"
"E, 'di umamin ka rin."
"Hehehe... Sige na, Sir, sa'yo na lang ako bibili."
"Oo na."
"Sa boarding house mo ba ako pupunta, Sir? Haha."
"Sa school. Wala dito ang uniform."
"Puwede bang doon ko na lang kunin? Hehe."
Nainis na tuloy si Lander. Okay na sana ang usapan, e. "Wag na nga lang. Humihirit ka pa, e!"
"Binibiro ka lang naman, e. Sige na nga."
"Sa'yo ba ako pupunta, Sir?"
"Sa'kin."
"Yehey! Masisilayan na naman kita, Sir. Haha.... Jowk!"
Akala ni Lander ay okay na. Humirit pa. "Sir, payagan mo na akong pumunta d'yan sa boarding house mo ngayon or mamaya. Wala naman pasok bukas, e."
"Bakit?"
"Alam mo na, Sir. Sige na kasi, Sir..."
"Hindi."
"Isa lang naman, Sir, e. Sabik na sabik na ko sa'yo. Lalo kang gumagwapo, Sir..."
"Unfriend na talaga kita mamaya..."
"Wag naman, Sir! Kainis ka naman. I-unfriend agad talaga."
Ini-unfriend nga ni Lander si Dina. "Yan na..."
Gayunpaman, nakapag-reply pa rin ito. "Sige na nga. Hindi na lang. Sorry na. Huwag mo na ko i-unfriend. Please..."
Natigilan sila sa pag-chachat, pero sumige na naman si Dina pagkatapos ng sampung minuto. "Sir, puwede ba tayo mag-video call ngayon?"
Ayaw ni Lander na makikipag-video call pa siya kay Dina. Tama na ang chat.
"Sir, busy ka ba?"
"Sir, peace na po tayo..."
"Sir, kailan po ako puwedeng bumili ng P.E. uniform?"
Six-twenty-five na ng gabi nang reply-an ni Lander si Dina. "Sa Monday."
"Doon ba ako pupunta sa room niyo?"
Ang kulit talaga ni Dina, naisip ni Lander. Ang sarap anuhin. "Sa covered court," nasabi na lang niya.
"Mga anong oras ako puwedeng magpunta, Sir? Baka hindi na naman ako papasukin ng guard."
"Mga 2 PM. Uwian na 'yon. Puwde ka nang papasukin."
"Baka naman, Sir, wala ka naman doon? Baka naman iba ang humarap sa akin, Sir?"
"Baka wala nga ako. May pupuntahan kami."
"Ganun?"
"Ayaw mo ba?"
"E, kailan ka nandoon at available? Gusto ko nga, Sir, sa'yo bumili, e. Tapos iba naman ang makikita ko doon."
"Mas mahalaga ba na makita mo ako o makabili ka?"
"Siyempre naman, oo, mahalaga rin 'yon sa akin na makita kita."
Hindi nag-reply si Lander.
"Bakit ba kasi ayaw mo akong makita, Sir? Siguro may crush ka rin sa akin, noh? Kaya, umiiwas ka sa'kin. haha... jowk!"
Natawa si Lander sa kakapalan ng mukha ni Dina. Ni sa hinagap, hindi ito pumasok sa pamantayan niya. "Ayos, a. Paratang 'yan."
"E, bakit ayaw mo akong makita? Haha. Aakitin lang naman kita, e. Joke!"
"Kasi ayaw kong ma-inlove ka sa akin."
"Hindi naman ako mai-inlove sa'yo, Sir, e, kasi may bf na ako. At sa kanya ako nai-inlove, noh! Crush lang talaga kita at pinagnanasahan lang talaga kita."

Nais sabihin ni Lander na baliw si Dina. Hindi niya lang ito sinabi. Nagbiro na lang siya. "Ganun nga. E, bakit mo ako pagnanasaan? Mamaya gahasain mo pa ako."
"Kasi ikaw naman, e, ayaw mo naman akong pagbigyan kahit isang beses lang," sagot naman ni Dina. "E, bakit magpapagahasa ka ba naman sa'kin? Haha."
"Hindi. Masisira ang puri ko."
"Isang beses mo lang akong pagbigyan, Sir. Titigilan na talaga kita."
Tumawa lang si Lander. Napagtanto niya na hindi naman talaga marunong magmahal si Dina. Malibog lamang talaga siya.
"PROMISE!!!" sabi pa nito
"Naku. Isang beses? Pag natikman mo na, hahanap-hanapin mo na. Iba-black mail mo na ako. Sisiraan mo na ako. Naku! Pinagdaanan ko na 'yan!"
"Ano ba 'yan siya, oi! Napaka-paranoid mo naman d'yan, Sir! Ano ba ang mapapala ko, Sir, kung gagawin ko 'yon sa'yo? Ako ang taong ayaw na ayaw ng gulo or eskandalo, noh!"
"Kung ayaw mo ng eskandalo, huwag mo na akong tikman. Nadala na kasi ako. Pasensiya na kasi ganoon ang tingin ko sa puwedeng mangyari. Nakaka-paranoid talaga."
"E, 'di sana sa mga tatay lang ng mga anak ko ginawa ko na 'yong ganoong bagay, noh! Kung ganoon talaga akong klaseng babae. Pero NEVER ko ginawa ang ganoong bagay. Sa'yo pa kaya."
"Malay ko ba. Hindi pa tayo magkakilala dati. Wala akong alam sa buhay mo noon. Kasi once na ginawa natin ang gusto mo, sira na rin ang pagtingin ko sa sarili ko. Sana nauunawaan mo ako."
"Sir, please naman po, o. Trust me naman po, please..."
"How can I trust you? E, ang gawaing ito ay bawal? Kailanman man 'di puwedeng maging tama ang mali."
"Ang hirap mo namang ligawan, Sir. Wala naman pong mawawala sa atin, 'di ba, kung ita-try natin ng isang beses lang?
Nag-send uli ng mesnahe si Dina. "Ngayon na ako naniniwala, Sir, na napaka-makata mo nga."
"May mawawala sa akin... Akala mo lang wala,'' ang late reply ni Lander.
"Tayo lang namang dalawa ang makakaalam niyon, 'di ba?"
"Hindi. May makakaalam."
"Magpapalabas lang naman tayo ng init ng katawan natin, e. Sige na po, Sir... Isa lang talaga. Tapos titigilan na po kita."
"Matutulog na po ako. Bye."
"Sir,maya ka na matulog, o. Maaga pa naman, a. Sino naman ang makakaalam?"
"Asawa ko. Magpapaalam ako na gusto mo akong makasiping." Sa oras na ito, inis na inis na si Lander. Gusto na talaga niyang matapos ang kahibangan ni Dina sa kanya. "Good night po."
"Nyek! Napaka-loyal mo naman sa asawa mo. Sige na nga, huwag na lang. Bilib na bilib na ako sa'yo, Sir, kung gaano ka ka-loyal sa asawa mo."
"Salamat."
"Ang swerte naman ng asawa mo. Sana lahat ng mister, e, tulad sa'yo. Kahit lumalapit na ang tukso, e, hindi pa rin talaga nagpapadala. Lalo tuloy kitang hinahangaan. Kainis ka, Sir, hindi talaga kita maakit-akit!"
"Salamat talaga. Ganoon po talaga ako. Nagbagong-buhay na kasi ako."
"Sige na nga. Hangang pagnanasa na lang pala talaga ako sa'yo. Well, ikaw na lang ang i-imagine-in ko, 'pag nag-ano ako... haha. Jowk!"
"Alam mo, kung lalaki ka, hindi ka sasagutin ng liligawan mo. Basted ka lagi... Turuan kitang manligaw. Gusto mo?"
"Yabang mo, Sir! Sige nga po turuan mo ako... haha."
"Wag na. Mayabang pala ako, e."
"Kaasar ka, Sir, kasi bihira lang akong magka-crush sa isang lalaki, tapos binasted mo pa ako. Haha. Joke lang po 'yon, Sir."
"Ahaha. Di mo kasi ako niligawan nang maayos. Hinarass mo ako. Biglaan , e."
"Sige na. Paano po?"
"Suplado ako, 'di ba? Tapos, babanatan mo agad ko ng sex... Mali iyon. Kung babae ako, masasampal kita."
"Hahaha... Ganoon po ba iyon?"
"Oo."
"Paano po ba dapat kasi?"
"Dahan-dahan. Kailangang mapaamo mo ang babae. Dalagang Pilipina kunwari. Huwag mong babastusin sa mga salita. Isipin mo pa ang iba... Ikaw na ang bahala. Ikaw naman ang manliligaw, e."
"Ahhh... Ganoon po ba 'yon, Sir? Hindi ko naisip 'yon, Sir, a. First time ko lang naman kasi sanang manligaw sa lalaki, e. Tapos nabasted pa agad."
"Mali ang move mo. Good luck. If you want me... then do it slowly, gently." Gusto rin sana ni Lander na bigyan ng tsansa si Dina, kahit alam niyang hindi niya kaya ang mga tips niya.
"OMG! Ang hirap naman yatang manligaw ng isang DALAGANG PILIPINA. hehe..."
"Challenge 'yan."
"E, loyal ka naman sa misis mo, Sir, e. Baka masaktan lang ako."
"Kaya nga. Depende 'yan sa akin. Ikaw rin ang may kasalanan. Alam mong may mahal na, aagawin mo pa..."
"Sir, naman... Hindi naman sa aagawin kita, noh. Wala sa bokabularyo ko ang mang-agaw ng asawa."
"Panloloko sa asawa ko ang gagawin ko, kapag pumatol ako sa'yo. Di mo siguro, ramdam ang mararamdaman ng asawa ko, kapag nalaman niya ang tungkol dito. Masakit 'yon para sa kanya... Umaasa siya na wala akong ibang makakasiping dahil tiwala siya sa akin... Matino akong tao. Priority ko ang pamilya ko maligaya ako sa kanila. Wala na akong hahanapin pa, kaya puwede bang tantanan mo na ako? Please..."
"Okay, Sir. I just tried lang naman, e, if papayag ka."
"Kaso, mhihirapan ka talaga sa akin."
Matagal ang lumipas na sandal, bago nagkapag-reply si Dina. "From now on, tanggap ko na po na talagang ayaw mo sa'kin. At tama ka naman po, e."
Nakahinga nang maluwag si Lander. Sa wakas natauhan na si Dina. "Salamat! Huwag kang mag-alala, magkaibigan pa rin naman tayo. Basta, huwag na lang magbabanggit ng tungkol sa sex."
"Talaga, Sir?"
"Oo."
"Okay po. Sa iba ko na lang ibabaling ang pagtingin ko. Hehe."
Ayaw ni Lander na maging pakawala siya. Naaawa siya sa tatlong anak niya. Kaya, pinayuhan niya ito. "Payo ko sa'yo, kahit gustong-gusto mo ang isang lalaki, huwag na huwag kang magpi-first move. Ang ibang lalaki, natu-turn-off sa ganoon. Puwera na lang sa masyadong malibog. Kung ikaw, na-chachallenge ka sa pakipot na lalaki, lalo na ang mga lalaki, na-chachallenge din kami sa hard-to-get na babae. Huwag na sa iba. Tama na ang tatlong beses na pagkakamali mo. Isipin mo na lang sila. Mga lalaki ang anak mo. Kapag lumaki sila at nalaman nila ang bagay na kagaya nito, bababa ang tingin nila sa'yo."
"A, okay po, Sir. Salamat po sa payong kaibigan."
"Welcome! Nagmamalasakit lang ako sa'yo. Mabuti kang tao. Madali ka lang matukso. Balikan mo ang mga pagkakamali mo. Marahil ang punong-ugat lang naman ay ang pagiging mahilig mo sa pakikipagniig."
"Okay po, Sir. Salamat po ulit. Napakabuti mo talagang tao, Sir. Hindi ka lang guro, kaibigan pa."
"Welcome. Sana hindi kita nasaktan nang husto. Mahalin mo ang foreigner na bf mo ngayon. Huwag ka nang maghangad ng Pinoy na makakasiping mo. Magkakamali ka uli."
"Ang lalim naman ng Tagalog mo, Sir. Ano po ba ibig sabihin ng pakikipagniig?"
"Pakikipag-sex." Natawa na lang si Lander. Naisip niyang mahilig lang pala talaga si Dina sa sex. Mahina pala ang ulo niya.
"Wow! Grabe! Sobrang touched naman ako sa payo mo sa'kin, Sir. Parang bigla na talaga ko nagising sa katotohanan ngayon, Sir. Medyo masakit din siyempre sa akin ang tungkol sa ating dalawa, pero masaya naman ako, kasi may aral po akong natutunan sa inyo ngayong gabi."
"Salamat naman kung ganun. Hayaan mo, matututunan mo ring kalimutan ang nangyari."
"Thank you po ulit, Sir, a... Ang suwerte-suwerte po talaga ng asawa mo. Hindi nga siya nagkamali ng lalaking pinakasalan."
"Good night. Makakatulog na ba ako?" Nag-send pa si Lander ng smiley. Masaya na kasi siya sa realization ng kaibigan. Kahit paano ay nagwagi ang tama, sa kabila ng mga nangyari sa pagitan ng social media.
"Hopefully nga po, Sir, matutunan ko po agad na tanggapin ang nangyari."
"Sana..."
"Sige po, Sir. Good night na rin po. Have a sweet dreams and sleep well."
"Same to you. God bless."
"Likewise... Sige po, Sir."
Nagpadala pa ng smiley si Lander. Tila wala namang katapusan ang pagpapaalam ni Dina. "Good night po ulit, Sir."
Gayunpaman, makakatulog pa rin siya nang mahimbing at gigising na masaya, payapa, at may mataas na pagtingin sa sarili. Nagkamali man siya, hindi naman siya tuluyang nahulog sa kumunoy ng kahalayan. Kahit paano ay pareho sila ni Dina, na natuto sa dalawang linggong kamunduhan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...