Followers

Tuesday, August 16, 2016

Classroom Dialogue: Bisita

Catelyn: Sir, kinabahan ako kanina habang may bisita tayo?
Lander: Opo, Sir. Para akong hindi makahinga…
Sir: (smiles) Ako ba napansin niyong kinabahan?
Mga Estudyante: Hindi po!
Sir: Tama kayo. Sa una lang ako kinabahan kasi pumasok sa classroom natin ang principal ang supervisor, pero nang nagtuturo na ako, wala na.
Catelyn: Mas maganda nga po, Sir, ang may mga bisita tayo.
Sir: Bakit naman?
Catelyn: Kasi po nagiging aktibo po kaming lahat.
Sir: Napansin ko nga. Bigla kayong tumalino… lalo. (giggles)
Mga Estudyante: (laughs)
Serafin: Sana laging may bisita!
Sir: Huwag naman!
Serafin: Bakit po, Sir?
Sir: Kasi nakikisali sila sa discussion natin.
Roberto: Kaya nga po, Sir. Nang tinanong mo kami kung sino na ang nakarating sa Chocolate Hills, sumagot sila. Sila raw ay nakapunta na.
Sir: (laughs) Oo nga. Parang ang sarap sabihing “We don’t care.”
Lahat: (laughs)

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...