Kung dumating na ang katandaan ko,
Sa akin ba ay may magmamano,
May hihilot sa mga tuhod ko,
May mag-aalagang mga anak at apo,
May makikinig pa kaya sa mga kuwento ko,
At may magbabasa pa ng mga tula ko?
Kapag ang paningin ko’y tuluyang lumabo,
Makikita ko pa kaya ang kagandahan ng mundo?
Kung ang pandinig ko’y takasan na ako,
Maririnig ko pa kaya ang mga nasa puso ninyo,
Ang mga pasasalamat ng mga naging estudyante ko,
At ang sigaw, iyak, at pagdurusa ng mga Pilipino?
Sakaling ako ay maging ulyaning lolo,
Matatandaan ko pa kaya ang mga karanasan ko—
Ang mga pighati at ligayang aking natamo,
Ang mga kabiguan at tagumpay na nakamit ko,
Ang mga pinagdaanang sakit at kalbaryo,
At ang mga nagpatibay sa aking pagkatao?
Sa aking pagtanda, handang-handa na ako,
Na kamtin ang aking parusa o aking regalo
Mula sa Diyos na nagpahiram ng hininga ko.
Ako’y kukulubot, kukupas, alam ko…
Ngunit, sana… sana… ako’y tumimo
Sa inyong mga isipan at inyong mga puso.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment