O, guro, hindi ka ba nahahapo
sa pagdidisiplina at pagtuturo?
Bawat bata, nais mong matuto,
pero naisip ba nila ang halaga mo?
Di matatawaran, ang misyon mo,
Di masusukat, laman ng iyong puso,
Di napapagod, at 'di sumusuko,
Sa mga pinasok mong mundo.
Kung ang bawat mag-aaral, disiplinado,
Disin sana'y ikaw ay mas epektibo,
Mga kabataan ay hindi maliliko
Sa landas na dapat na tinutungo.
Hindi ka ba napapagod, Guro,
Sa pag-unawa sa mga bata mo?
Pokus nila ay hindi nakatuon sa'yo,
Kundi sa mga bagay na makabago.
Guro, tatagan mo pa iyong puso,
At palakasin ang katawang naaabo.
Huwag ka sanang magpapaabuso,
Kahit mga estudyante'y kalbaryo.
Pasasan ba't sila'y magbabago,
At mababatid nila ang halaga mo.
Mga aral mo ay binusilak na ginto,
Mananatiling makinang at puro.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tatlong Letter Z
Estudyante: “Tulog po si Juan.” (Yuyugyugin sana ang balikat ng kaklaseng tulog.) Guro: Huwag mong gisingin. Hayaan mo lang. Mahirap m...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment