Hanna,
laking tuwa ko noon
nang isinilang ka.
Tinupad mo
ang matagal ko nang pangarap---
ang maging ama
at magkaroon ng anak.
Ikaw, ang bumuo
sa aking nawasak
na pagkatao.
Ikaw,
ang nagbigay
ng ngiti
sa aking mga labi,
ng unang
tumawag sa akin ng
'Papa'.
Kay sarap sa tainga!
Walang maitutumbas na salita
ang ligayang dulot niyon
sa aking puso.
Hindi man Hanna
ang nais kong itawag sa'yo,
kundi pangalang panlalaki
dahil ang hiling ko
sa Kanya'y
isang sanggol na lalaki,
ngunit batang babae,
sa aki'y kaloob.
Di naglaon,
aking natanggap.
Batang anghel pala
ay aking ikagagalak.
Anak,
mahal na mahal kita.
Hindi man tayo
madalas magkasama,
tandaan mo,
ika'y nasa isipan
at puso ko.
No comments:
Post a Comment