Followers

Monday, August 15, 2016

Classroom Dialogue: Birthday

Maria: Birthday niyo po ngayon, Sir?
Sir: Hindi. (smiles)
Luisa: Birthday niyo po, e. 
Maria: Narinig po namin na binati kayo ng ibang teachers kanina sa flag ceremony.
Sir: (smiles again) Wala 'yon.
Mga Estudyante: Happy birthday po, Sir!
Sir: Thank you!
Jose: Birthday nga ni Sir. Nabasa ko sa Facebook.
Maria: Sir, bakit hindi niyo po sinabi sa amin na birthday niyo po ngayon?
Sir: Ayaw kong malaman ninyo...
Maria: Bakit ang iba naming naging teacher, nagpaparinig sila na birthday nila.
Pedro: Kaya nga po, Sir... Parang humihingi ng regalo at handa.
Sir: (smiles) Hindi ako katulad nila. 
Carlito: Kaya nga po, Sir. Ibang-iba ka sa kanila.
Maria: Bakit po, Sir, ganoon kayo?
Sir: Hindi ninyo obligasyon na regaluhan at handaan ako. Sapat na sa akin ang matuto kayo at maging disiplinado. Tama na iyon sa akin bilang mga regalo ninyo sa kaarawan ko.
Mga Estudyante: Wow naman, Sir! Happy birthday po uli!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...