Followers

Sunday, December 21, 2014

Hijo de Puta: Ochenta y otso ay ochenta y nuwebe

"Traydor ka, Mama Sam!” galit na galit kung dinuro ang floor manager ko nang pumasok siya sa dressing room. Nakabihis na ako nun para umuwi. Nawalan na ako ng ganang sumayaw at kumita ng pera.

"Oops! Relax, Mr. Hardlong! Baka nakakalimutan mo. May pinirmahan kang kontrata.." Pakembot-kembot pa ang lakad niya habang lumalapit sa akin.

"Hindi ko nakakalimutan ‘yun, Mang Samuel!" Naiinis ako sa kanya kaya kailangan mainis ko rin siya. 

Lumapit pa siya sa akin. Nakangiti at hinimas ang aking dibdib. "Thank you, my dear! But you can't make me mad. Dahil, alam ko, sa oras na ito ay wala na sa bahay mo ang babaeng pinakamamahal mo." Tumawa pa siya na parang si Bella Flores.

"Lumayo ka nga sa akin!" Kinuha ko ang bag ko at agad akong lumabas ng dressing room. Narinig kong tumatawa pa rin si Mama Sam. Nadaanan ko naman sina Lemar at Jake na maharot na nagso-show sa entablado. Naghahalikan ang dalawa.

Nagtaxi ako pauwi. Gusto ko kasing maabutan si Lianne sa bahay. Hindi naman ako nabigo. Naabutan ko siya at si Paulo na palabas na ng bahay. Bitbit nila ang mga gamit niya. 

"Lianne, ‘wag kang umalis, please.. Sorry." Agad kung kinuha ang bag niya para di siya makaalis. "Paulo, ibalik mo ‘yan sa loob."

"Fuck shit ka!  Manloloko. Sinungaling. Kung gaano kagwapo iyang mukha mo, siya namang kapangit ng pag-uugali mo!"

"Oo. Aminin ko. Niloko kita. Pero, it does not mean na habang buhay akong ganito. Nakahanda na akong magbago para sa'yo."

"Para sa akin? O para sa sarili mo? Para sa kalibugan mo?"

"Lianne, pasok muna tayo. Nakakahiya sa mga makakarinig." si Paulo. Natuwa ako sa pagkukusa niya.

"Hindi na! Kailangan ko nang lumayo sa taong ito. Baka one of these days, isa na ako sa biktima niya. Ayokong mahawaan ng tulo!"

Bigla akong nanliit sa sarili ko. 


Hijo de Puta: Ochenta y nuwebe

"Gusto kong magbagong-buhay simula nang makilala kita." pasimula kong paliwanag. Nakaupo na sina Lianne at Paulo sa sofa. Ako naman ay nakatayo sa may pinto. "Sa katunayan, hinihintay ko ang tawag ng agency para makasakay ako ng barko." 

Nagtinginan ang dalawa pero walang lumabas na salita mula sa kanilang mga bibig.

"Maniwala kayo. Hindi ko gusto ang trabahong ito." Lumapit na ako sa kanila at umupo rin sa sofa, kaharap nila.

"Kaya pala enjoy na enjoy ka habang iginigiling mo ang hubad mong katawan. Paano mo rin ipapaliwanag sa amin na ipinagagamit mo ang titi mo sa kung sino-sino, kapalit ng pera?" si Lianne, galit pero mahinahon.

"Hindi lahat ng tao ay naiintindihan ang trabaho ng kagaya ko. Kaya nga humingi ako sa'yo, sa inyo ng apology. Nakakontrata ako kaya di ko kaagad-agad pwedeng bitawan 'to." Mas nagsusumamo ang tono ko.

"Tama ka. Hindi ko maunawaan." Aakma nang tatayo si Lianne pero napigilan siya ni Paulo.

"Mag-usap kayo." sabi ni Paulo. Napaupo niya si Lianne.

"Ayoko na. Tama na. Ayoko na ring maging pabigat sa'yo, Hector."

"No! Hindi ka pabigat sa akin, Lianne. Ginagawa ko ito dahil mahal kita."

Natawa si Lianne. "Mahal? Kailan lang tayo nagkakilala. Mahal mo na agad ako? Bakit?"

Wala akong naisagot. 



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...